AJ Muhlach understands former loveteam partner Nadine Lustre's change of image

IMAGE Noel Orsal / Glenn Regondola

AJ Muhlach on former onscreen partner Nadine Lustre: "Nagbago in a way na mas ano siya, mas magaling manamit, mas maganda sa pagdadala ng sarili. Siyempre natutunan din sa showbiz through the years, kumbaga."


Bilang dating ka-love team ni Nadine Lustre, naiintindihan daw ni AJ Muhlach ang anumang pagbabago sa imahen ng aktres.

Sina AJ at Nadine ay naging magka-love team ng mahigit isang taon sa pamamagitan ng mga TV5 drama series na Bagets: Just Got Lucky at P.S I love You noong 2011.

Noong panahon nila, sweet pa ang image ni Nadine.

Pero recently ay marami ang pumupuna sa pagiging daring nito na nabibigyan ng kakaibang interpretasyon ng ilang netizens.

Pagtatanggol naman ni AJ, “Siguro ang masasabi ko, tama lang yung timing kasi nagkakaedad na rin kami, nag-iiba na rin yung ano namin.

"Kasi nagkakaedad na rin kami, nag-iiba na rin yung ano namin.

“Hindi rin naman siguro bagay na pa-sweet sweet kami or parang...

“So, kailangan din na... ikaw na rin sa sarili mo 'yan, e.

"Iniisip mo din na sa pananamit ko, sa kilos mo, may pagbabago talaga.

“Kahit naman ako, e.”

Hindi naman daw nagbago ang impresiyon ni AJ kay Nadine sa kabila ng mga naglalabasang isyu tungkol sa dating ka-love team.

Saad niya, “Nagbago in a way na mas ano siya, mas magaling manamit, mas maganda sa pagdadala ng sarili.

“Siyempre natutunan din sa showbiz through the years, kumbaga.

“So, okey naman sa akin.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si AJ sa pocket presscon ng pelikulang Double Barrel: Sige! Iputok Mo, na ginanap sa Viva Studios, Sct Madriñan, Quezon City, noong July 24.

Dumalo rin dito ang leading lady niyang si Phoebe Walker.

JADINE. Sa pagkakataong ito, inalam ng PEP kay AJ kung naiinggit ba siya sa nangyari sa love team nina Nadine at James Reid.

Hindi ba niya naisip na kung tumagal pa sana ang tandem nila ni Nadine ay baka wala ngayon sa puwesto si James?

Sagot niya, “Hindi naman.

“Kasi nangyari yun sa kanila, sa tingin ko, kasi sila yung meant to be na maging partner, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, kumbaga, baka mahahanap [ko pa lang] yung partner ko, na baka dun kami mag-click.

“Kumbaga, yung tamang pairing siguro at tamang timing din. Siguro ganun nga.”

Mahirap na rin sigurong hanapan ng ka-love team si AJ dahil ginu-groom siya ng Viva Films bilang isang action star. Ano sa palagay niya?

Pahayag ni AJ, “Okey rin. Anyway, mas okey.

“At least, tulad nga ng nasabi ko, torpe ako, mahiyain ako.

“Mas makakapag-work ako sa sarili ko, kasi ganun ang tao, e.

“Mas okey na rin ito na ganito, kasi solo career na rin ang iniisip ko.

“Tama nga siguro, kapag action star ka, no need na may ka-love team, kaya mas okey na yung leading lady ang kasama mo.

“Mas masaya din kapag may mga nakakatrabaho kang iba, kasi marami ka ring matututunan sa kanila.

“Katulad ni Phoebe, marami kaming in-explore sa movie na ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN