Maegan Aguilar accuses taxi driver of theft; taxi operator demands public apology from singer

IMAGE Phoebe Dee Facebook

Inakusahan ni Maegan Aguilar ang isang taxi driver ng pagnanakaw diumano nito sa kanyang gitara. Ngunit pinabulaanan ito ng operator ng taxi na sinakyan ng singer.


Public apology ang hinihingi ng operator ng isang taxi company mula sa singer at anak ni Freddie Aguilar na si Maegan Aguilar.

Ito ay dahil sa akusasyon ni Maegan na pinagnakawan diumano siya ng gitara ng isang driver nila.

Ayon sa operator ng Nimble Taxi na si Rosalina Gigante, si Maegan ang nakaiwan ng kanyang gitara sa loob ng taxi at intensiyon daw ng driver na ibalik ito kaagad.

Noong Lunes, July 24, ay nag-post si Megan ng mensahe sa kanyang Facebook account na Phoebe Dee, kung saan inilahad niya ang pagtangay diumano ng driver ng taxi na sinakyan sa gitara niya.

“AKO PO SI MAEGAN AGUILAR, ANAK NI FREDDIE AGUILAR AT NANANAWAGAN PO AKO SA INYONG LAHAT!!! (KAGABI LANG PO ITO NANGYARI. JULY 23 SUNDAY EVENING...)

“NETIZENS SHOUT OUT PO SA NAKAKA ALAM O NAKAKITA SA WIW 727 NIMBLE TAXI po na WHITE AVANZA. From Shopwise Cubao po to #92 Amang Rodriguez, Santolan Pasig po ako sa kanya nagpahatid.

“Tinulungan nya akong ibaba ang mga gamit from his trunk, and as I was carrying my boxes to the gate, paglingon ko po ay tumakas na po yun driver tangay tangay po ang aking DND steal string color brick red po na gitara, platform high heel shoes na fatigue print & some clothes po na nasa loob ng black DND guitar case at set of bowls po na nabili ko rin po sa Shopwise.

“Between 8-8:28pm po nanyari ang krimen. Between 48-53yrs old po ang driver, dyes brown po ang buhok nya, babading bading umasta at mukhang tisoy na hilaw.

“Hindi po sapat na inireport ko lang ito sa 911. At kahit po nakakuha na ko ng numbers ng LTFRB, napaka bagal po ng proseso at aksyon nils dito sa nagyare po sa akin.

“So please po NETIZENS, TULUNGAN NYO PO AKO. SANA PO MAY MAGAWA TAYO AT HOPING AKO NA MAKUHA KO PA ULIT ANG MGA GAMIT KO SA KANYA. OR KUNG HINDI NAMAN, TULUNGANNYO PO AKO NA MAKULONG SYA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“NAG SHOUT OUT NA PO AKO KASI WALA PA RIN PONG FEEDBACK FROM THE LTFRB. KUMPLETO ANG INFO KO , MASKI DESCRIPTION NG DRIVER MERON AKO, SANA PO SA INYOMG MGA NETIZENS, MAY MAG MAGANDANG LOOB NAMANG TUMULONG SA AKIN..MARAMING SALAMAT PO.”

“KAHIT PO MAN LANG SA LANDLINE NG NIMBLE TAXI AY MATULUNGAN NYO AKO LTFRB. PLEASE NAMAN PO, UMAASA PO AKO SA QUICK FEEDBACK NYO. MARAMING SALAMAT PO."

Sa sumunod niyang post ay ibinahagi ni Maegan ang tulong na ipinaabot sa kanya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Land Transporation Franchising and Regularoty Board (LTFRB).

THE DRIVER’S SIDE. Pinabulaanan naman ng operator ng taxi ang akusasyon ni Megan sa driver.

Ayon kay Rosalina Gigante, “Sinara ng driver yung compartment, sabi niya kay Aguilar, 'Oh, ma'm, clear na ba tayo?' ‘Ah oh, sige. Salamat ah,’ sabi pa nga daw ng babae.”

Nang makita raw ng driver ang gitara sa loob ng taxi, sinabi raw nito agad sa kanilang operator.

Ini-expect daw ng driver na may tatawag sa kanya para maibalik yung gitara.

Saad pa ni Gigante, “Itong gitarang ito, hindi niya kaagad nahatid 'yon dahil hinatid niya yung anak niya sa school. Kasi first day ng anak niya sa school nung araw ng Monday.”

Wala rin daw record ang driver nilang nagnakaw ng anumang gamit na naiiwan sa taxi nito.

Isang radio broadcaster daw ang makapagpapatunay na matapat ang driver na ito dahil ilang beses na itong nagbabalik ng mga naiwan ng kanyang mga pasahero.

Ang hiling lang ni Gigante kay Aguilar ay mag-public apology ito sa social media, kunsaan una niyang inakusahan na magnanakaw ang driver nila.

“Ang ibig kong sabihin, kahit mag-apologize si Maegan sa driver ko, dapat sa social media siya mag-apologize at bawiin niya ang sinasabi niyang magnanakaw yung driver.

“Kawawa naman 'to, at sana 'wag mabasa ng mga anak niya 'to.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang LTRFB Technical Division Chief na si Joel Bolano ang kumontakkay Gigante at pinapunta niya ito sa opisina nila para maibalik ang gitara kay Maegan noong Martes.

Sabi pa ni Gigante, “Pinktyuran namin yung mga items na sinurrender namin sa LTFRB, in-itemize, tapos pinirmahan namin.”

Wala sa LTFRB office si Maegan nang ibinalik ang kanyang gitara dahil nagkasakit daw ito.

Pero pinagpipilitan pa rin ni Maegan na naging biktima siya ng pagnanakaw.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN