Will Robi Domingo and Gretchen Ho reconcile?

IMAGE Photo grabbed from ABS-CBN Sports & Action

Former sweethearts Robi Domingo and Gretchen Ho are well matched as co-hosts, will they give love a second chance? Robi was noncommittal, "Hindi ko po alam, hindi ko masabi," he said.


May chance bang magkabalikan sina Robi Domingo at Gretchen Ho?

Ito ang tanong ng marami ngayong nagkakatrabaho muli ang dating magkasintahan sa hosting stints.

Gaya na lamang ng paghu-host nila sa isang fun run noong July 2, kung saan nagbiruan pa sila onstage tungkol sa kanilang relasyon dati.

Co-hosts din ang dalawa sa programang University Town sa ABS-CBN Sports & Action.  

Posible pa ba silang magkabalikan?

“Hindi ko po alam, hindi ko masabi,” sagot ni Robi sa episode ng Magandang Buhay ngayong Miyerkules, July 26.

March 2017 nang kumpirmahin ng dalawa ang kanilang paghihiwalay pagkatapos ng tatlong taong relasyon.

STILL FRIENDS. Ipinaliwanag din ng male host kung paano nanumbalik ang pagkakaibigan nila ni Gretchen pagkatapos ng breakup. 

Saad ni Robi, “Sa totoo, yung una, nagti-taping kami for University Town naman sa Sports and Action, awkward nung una.

“Tsaka hindi ko alam kung papano ko ilalabas, pano ko bibigyan ng panibagong atake.

“Pero hanggang tumatagal kasi, mas nagiging okay kami. Mas nagiging kaibigan, mas nagiging open siya.

“Tapos minsan, siya pa yung humihirit na, ‘O, bago kayo mag-move on, ikaw [Robi], naka-move on ka na ba?’ Mga ganung hirit.”

Ganito ang naging takbo ng usapan sa entablado nang i-host nila ang 10th Fit and Fun Wellness Buddy Run sa Camp Aguinaldo noong July 2.

 


Stories We Are Tracking

Robi Domingo and Gretchen Ho joke about their breakup
Robi Domingo and Gretchen Ho joke about their breakup


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN