Donita Rose reveals divorce from Eric Villarama: "Na-finalize siya nung December of last year."

IMAGE Noel Orsal

Donita Rose says despite their divorce, she and ex-husband Eric Villarama have agreed to share parenting responsibilities to their only son. "JP's dad and I both agreed that we would really put the past behind us and help raise him together. The term is co-parenting. We co-parent my son," says Domita.


“I'm actually divorced. Na-finalize siya nung December of last year.”

Ito ang ibinunyag ng actress/TV host/celebrity chef na si Donita Rosenang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng cooking show niyang HeartMate Kitchen, sa GMA Network Center, nitong Martes, July 25.

Pagkatapos ng divorce nila ng dating mister niyang si Eric Villarama, ang annulment naman nila ang inaasikaso ngayon ni Donita.

Ayon kay Donita, “Nalaman ko, kasi Filipino citizen rin ako, kailangan palang mag-annulment pa rin ako.

“So that's gonna take... I'm only going to start now sa annulment process.

“I was married in the US. Pero hindi pa kasi ako Filipino citizen noong ikinasal kami.

“Then, nung naghiwalay na kami, akala ko divorce will be enough because sa US kami ikinasal.

“Then, nalaman ko, kapag Filipino citizen ka, you have to also get an annulment.”

Ikinasal sina Donita at Eric sa Santa Barbara, California, USA, noong June 9, 2003.

COMPLETELY HEALED. Noong 2015 unang nabalitang may problema sa pagsasama nina Donita at Eric.

Tatlong taon din daw ang tiniis ni Donita bago siya makapag-move on sa paghihiwalay nila ni Eric.

Lahad niya sa PEP.ph, “I think medyo fully-healed na, nakapag-move on na.

“One of the reasons why I know na nakapag-move on na ako is because yung son ko, he went to visit his dad for three months.

“Noong una, parang ayaw ko, kasi parang ang sama-sama ng loob ko.

“But I realized na meron pala akong mga hang-ups pa rin sa nangyari. I had to get over it.

“It changed me. Now I'm able to think straight again. I can laugh at life and enjoy everything.”

Dahil nakapag-move on na siya, marami nang gustong gawin si Donita ngayon.

“Yes, completely healed na,” sambit niya.

“Alam niyo, barista rin ako. Nag-aral ako ng coffee, yung pagiging barista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And so, every day, when I do my latte art, gumagawa ako ng heart.

“Dati wasak ang puso ko, ngayon buong-buo na siya.”


Stories We Are Tracking

Donita Rose admits separation from husband Eric Villarama
Donita Rose admits separation from husband Eric Villarama
Donita Rose takes a break from showbiz to heal broken heart
Donita Rose takes a break from showbiz to heal broken heart
Donita Rose reveals reason why her husband left her
Donita Rose reveals reason why her husband left her

CO-PARENTING. Kahit divorced na sila ni Eric, magtutulungan daw sila sa pagpapalaki sa anak nila.

Napagkasunduan daw nilang maging co-parent kay JP.

Ayon kay Donita, “I read this book before that talks about it takes a village to raise a family.

“First and foremost, when you go through a divorce, you have to take seminars in the US that teach you how to co-parent.

“Meaning, kung ano man ang naging issues sa mag-asawa, you have to put that behind you and focus on the well-being of the child.

“JP's dad and I both agreed that we would really put the past behind us and help raise him together.

“The term is co-parenting. We co-parent my son."

Dagdag niya, “Sa ngayon, wala namang problema dahil sa FaceTime.

“So, kung may issue, kaming dalawa ang nandun.

“Kumbaga, his dad is there and I'm there.”

Dahil sa pagpayag ni Donita na mahiram ng ilang araw ng kanyang ex-husband ang kanilang anak, nawala raw ang pagka-homesick ni JP sa tatay nito.

Kuwento niya, “The fact na nakapag-visit siya sa tatay niya for three months already, parang naayos na rin niya yung homesickness niya sa tatay niya, ‘cause he does miss his dad.

“But JP has a lot of father figure here in the Philippines.

“So far, ang nasasabi niya, he doesn't feel the emptiness because, at the end of the day, I always tell my son na, ‘Whether together o hiwalay, if you focus on your earthly father, lahat naman tayo nagkakamali. I-focus mo na lang sa Heavenly Father mo.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN