Dave Bornea still hurting over past love: "Kayo ba naman ang ma-in love, tapos first time?"

IMAGE GMA Artist Center Instagram

Dave Bornea assures he's still the same guy he was before he became an actor. "Gusto ko na nari-reach out pa rin ako ng mga kakilala ko dati," he says.


Dating seminarista ang baguhang Kapuso talent na si Dave Bornea.

Tatlong taon daw siya sa seminary.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nag-voluntary exit po ako kasi I realized na it’s not really my calling. 

“Bago po kasi ako mag-pari, sakristan kasi ako, altar boy. 

“Laking simbahan talaga ako, kaya nasa isip ko, magpa-pari talaga ako.
 
“Then, nanonood ako ng TV, marami ang nagsasabi sa akin na, 'Puwede kang mag-artista.'

“Nag-try akong mag-pageant sa Cebu.”
 
Hindi raw nagsisisi si Dave na umalis siya sa seminary.

“Wala akong regret kasi ang dami kong natutunan,” sambit niya.
 
Pero marami rin daw siyang naranasang pagsubok noong nasa labas na siya.
 
“Parang nabaguhan ako sa labas, kasi for three years, nandun lang ako sa loob.  

“Sa akin, ang pinakamahirap, yung nagrebelde ako sa family ko dahil sa pagmamahal sa isang babae. 

“Sobra akong nagmahal, siya yung first relationship ko.
 
“Maraming naapektuhan dahil dun.

"Pero marami akong natutunan dahil sa nangyaring yun.

“Hanggang ngayon, bitbit-bitbit ko siya, kasi lesson yun.”
 
Sabi pa niya, “Kayo ba naman ang ma-in love, tapos first time?”
 
Kung magkakaroon pala siya ng karelasyon ngayon, mas alam na niya ang gagawin?
 
“Yes, mas wise na ko ngayon, mas mature.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dave sa pocket presscon ng GMA Artist Center, sa 17th floor ng GMA Network, noong July 24.

STILL THE SAME. Isa si Dave sa miyembro ng Kapuso boy group na One Up. 

Pero sa kanilang lahat, tila siya ang pinaka-kilala at nabibigyan ng magagandang oportunidad.

Nakasama siya sa unang bahagi ng Alyas Robin Hood ni Dingdong Dantes, at makakasamang muli sa part 2 nito.
 
Ayon kay Dave, “Kaming lahat, nabibigyan naman ng opportunity talaga. 

“Nagkataon na yung ARH 1, natapos, then sinundan ng ilang buwan lang.
 
“Pero si Nikki Co, kilala rin naman, lumalabas siya sa Meant To Be

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Jay Arcilla from StarStruck... yung iba, lumalabas din sa iba.”

Dalawang taon nang naninirahan si Dave sa Manila simula nang magdesisyon siyang pasukin ang showbiz.

Taga-Cebu si Dave kaya ang pamilya niya ay nandoon pa rin.
 
Kamakailan lang daw ay umuwi siya sa Cebu, at naramdaman niyang may pagbabago na sa pagtingin ng mga tao roon.
 
“There’s a little bit change, parang tinitingala na ako ng mga kapitbahay ko. 

“Nasa bahay lang ako, kumportable, naka-shorts, naka-sando, naka-tsinelas. 

“Tapos sabi ng mga kapitbahay ko, ‘Uy, Dave, artista ka na, bakit nakaganyan ka lang?’
 
“Sabi ko naman, e, nasa bahay lang ako. Gusto ko pa rin naman kung ano ko dati,” nakangiti niyang kuwento.

Hindi raw dahilan ang pagiging artista niya para magbago si Dave.
 
Aniya, “I don’t want to take it na bago ang status, magbabago na rin kung ano ka dati. 

“Gusto ko na nari-reach out pa rin ako ng mga kakilala ko dati.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN