Kapuso teen actress Eunice Lagusad cries over cancelled Justin Bieber concert tour

IMAGE Eunice Lagusad / Noel Orsal

Eunice Lagusad on being a Justin Bieber fan: "Nang-aaway po ako. Lalo na kapag may naninira po kay Justin. Super pinagtatanggol ko po siya!"


Kabilang ang Kapuso teen actress na si Eunice Lagusad sa milyun-milyong fans na nalungkot nang makansela ang Asian leg ng Purpose World Tour ng Canadian pop superstar na si Justin Bieber.

Lumabas noong Martes, July 25, ang balitang kinansela ni Bieber ang natitirang 14 dates ng kanyang Purpose concert tour dahil kailangan niyang magpahinga.

Ang 14 dates na iyon ay nakalaan para sa North America at Asia, kasama na ang Pilipinas.

Natuwa pa naman ang Pinoy Beliebers—tawag sa fans ni Justin—dahil muling magbabalik sa Pilipinas ang international singer pagkatapos ng limang taon.

Unang nag-stage ng concert sa Pilipinas si Justin noong May 10, 2011, sa Mall of Asia Concert Grounds, para sa My World Tour.

In-announce naman noong June 2017 na kasama ang Pilipinas sa Asian leg ng Purpose concert tour ni Justin.

Sa September 30, sa Philippine Arena sa Bulacan, sana gaganapin ang concert niya rito sa Pilipinas.

Nagsimulang magbenta ng tickets para sa concert ni Justin noong July 9.

READY TO WATCH. Isa si Eunice sa sobrang na-excite na muling magku-concert sa Pilipinas si Justin.

Noong 2011 ay nakapanood si Eunice ng concert ni Justin, ngunit general admission section ang ticket niya.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa pamamagitan ng Facebook messaging, “Sobrang layo po. Parang langgam na lang po si Justin sa section namin.

“Kaya natuwa ako dahil nagku-concert ulit siya after six years.

“Makakabili na ako ng mas mahal na ticket at mapapanood ko na siya nang malapitan.

“Yung talent fees ko po sa teleserye na Ika-6 Na Utos, iniipon ko po iyon para nakabili ako ng mahal na ticket sa concert ni Justin.

“Panay pa naman po ang check ko sa SM Ticketnet para makapili po ako ng magandang lugar.

“Yung nakapag-upgrade po ako para maganda yung lugar ko.”


Naiyak daw ang former child actress sa sobrang disappointment nang malaman niyang kanselado na ang Purpose Tour ni Justin sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Sobrang disappointed po ako. Naiyak po ako.

“Kinonfirm ko pa po sa smtickets.com and philippine concerts kung totoo.

“Tapos po nakita ko po yung statement niya na hindi na po tuloy.

“Flooded nga po yung wall ko kahapon.

“Alam po kasi ng mga friends ko na excited ako sa pagdating ni Justin Bieber.

“Pero yun nga po, hindi na po siya natutuloy.”

DIE-HARD FAN. Die-hard Justin Bieber fan si Eunice simula pa lang nang sumikat ang singer noong 2008.

Member si Eunice ng Justin Bieber PH Official, isa sa pinakamalaking fan club ni Bieber sa Pilipinas.

Ipinakita rin ni Eunice sa PEP ang collection niya ng Justin Bieber merchandises, mula sa CDs, t-shirts, posters, books, magazines, pins, wristbands, at singing Justin Bieber doll.


Tipikal din daw na protective fan si Eunice.

“Nang-aaway po ako. Lalo na kapag may naninira po kay Justin. Super pinagtatanggol ko po siya!” natatawang pag-amin ni Eunice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN