Teacher Georcelle reveals her favorite celebrity students: "Maja, KC, Sarah, Anne..."

IMAGE Glenn Regondola / Instagram

Teacher Georcelle encourages her dance group G-Force to aim higher: "Gusto kong maging goal niyo is higher than what I have now."


Walang duda na bilib si Georcelle Dapat-Sy kay Sarah Geronimo bilang isa ring dancer.

Si Teacher Georcelle ang founder ng sikat na dance group na G-Force. Siya rin ang nagtuturo ng choreography sa mga sikat na artists sa bansa.

Ayon kay Teacher Georcelle, “Si Sarah, natural dancer naman.

“It’s just a matter of giving her, helping her pinpoint kung ano ang design dance for her. 

“She’s a natural dancer. Super natural dancer.” 

Sa katunayan, si Sarah ang nagsulat ng foreword sa libro ni Teacher Georcelle na The Force Within: Lesson in Life On and Off Stage.

Kuwento pa ni Teacher Georcelle, “Nakakaaliw ‘yan kasi ni-revise pa niya, siya talaga ang nagsulat.”

Hey birthday girl... ?? ?? ??

A post shared by Teacher Georcelle (@teachergeorcelle) on

Mababasa sa libro ang “Teacher’s Note,” kung saan ibinahagi ni Teacher Georcelle ang ilang mga artistang tinuturuan niya at nakatrabaho.

Kasama rito sina Anne Curtis, Enrique Gil, KC Concepcion, James Reid, Maja Salvador, Gary Valenciano, Sharon Cuneta, at Sarah Geronimo.

Ang mga ito ba ang kanyang paboritong students?

Sagot ni Teacher Georcelle, “Sila lang ang mas may matindi akong relationship, mas matagal na trabaho together.” 

Hindi kaya magtampo ang ibang artistang hindi niya nabanggit sa libro?

“Sana huwag, kasi I can always have a volume two, right?” natawang sagot niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

STRAIGHT-A STUDENTS. Binanggit din ni Teacher Georcelle kung sinong celebrity students niya ang naging malapit sa kanya.

“Sarah, KC, and Maja... Maja is like a family also,” aniya.

Sino naman ang mga paborito niyang i-choreograph?

Sagot ni Teacher Georcelle, “Maja, KC, Sarah, Anne—iba rin ‘to.”

“Iba-iba kasi sila ng atake. 

“Like Sarah and Maja, magkaiba sila ng offer sa stage.

“When they dance, dance pa lang, ha, hindi performance, hindi acting, magkaiba talaga, e.

“Si KC is an equipped dancer. Meron siyang training.

“She’s flexible. She can do high kick, she can [do] turns, she can do contemporary.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Anne is kikay. Sobrang kikay. 

“Sinasabi niya nga, ‘I’m not a dancer, I’m not a dancer.’ 

“But you know, ang dating sa akin kasi, you intertwined dancing and fashion, that’s her, sa kanya.

“I see her na Kylie Minogue, siya ‘yan, si Anne.

“Then, si Nadine [Lustre], kasi siya ang bago ngayon, e.”

Ano naman ang masasabi niya kay Enrique Gil, na kanya ring estudyante?

“Si Enrique, siya kasi ang hot ngayon, and every time you put him on stage, nag-e-embrace talaga.

“Ini-own niya.”

HUMBLE BEGINNINGS. Ikinuwento rin ni Teacher Georcelle kung paano siya nagsimula sa The Sharon Cuneta Show, at kung paano ito nagbukas ng mga oportunidad sa kanya.

“Kay Ate Shawie ako nagsimula, fourteen years old [ako], sa The Sharon Cuneta Show as a performer, as a dance artist. 

“After two years, Eric Edralin, the head of Adrenalin Dancers, gave me the break to choreograph.”

Labing-apat na taon pa lang ay nagtatrabaho na siya?

“Yes, and at that time, hindi naman siya trabaho for me. 

“Actually, until now. Trabaho lang siya kapag hindi ko na gusto ang music,” aniya.

Ano ang pakiramdam na isa siya sa mga nirerespetong pangalan pagdating sa pagsasayaw, gaya ng mga batikang choreographers na sina Maribeth Bichara at Geleen Eugenio?

Ayon kay Teacher Georcelle, “Well, I’m happy that I’ve reached this position.

“Hindi ‘to nangyari lang overnight. 

“A lot of people are surprised that I’ve been in the business for over twenty-five years already.

“Before akong magkaroon ng moniker na Teacher Georcelle, ginapang [ko] siya…

“'Yan din ang sinasabi ko sa G-Force since most of them are millennials.

“That there’s no overnight sa gusto niyong ma-achieve.

“Kung gusto niyo kung nasaan ako ngayon, that’s a good goal. 

“But I want you to achieve, gusto kong maging goal niyo is higher than what I have now.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN