Albert Martinez ready to fall in love again: "Pag nangyari, mangyayari."

IMAGE Noel Orsal

Handa na raw muling makahanap ng bagong pag-ibig ang aktor na si Albert Martinez. Kahit hindi pa siya totally nakakapag-move on sa pagpanaw ng asawang si Liezl Martinez, umaasa siyang may nakatakda sa kanyang babaeng hindi na niya kailangang hanapin. 


Lagpas dalawang taon na mula nang pumanaw ang kabiyak ni Albert Martinez na si Liezl Martinez. 

Pero ayon sa aktor, hindi ganun kadali ang makapag-move on dahil 30 taon silang nagsama ni Liezl.

Pumanaw si Liezl sa edad na 47 noong March 14, 2015, dahil sa cancer.

Pahayag ng La Luna Sangre actor, “It’s a hard journey, so hindi ko siya minamadali.

“Kung ano lang yung dumaan sa buhay ko, so it is.

"I’m busy with work and dun ko pinu-focus lahat ang atensiyon ko—sa trabaho."

Bukas naman daw si Albert na makahanap ng bagong pag-ibig.

Pero aniya, “Mahirap, e, thirty years, e. Hindi ganun kadali yun.

"Unless talaga... hindi ako nagsasalita nang tapos, pero unless meron tayong matalisod na yung magkonek yung puso ko, you’ll never know."

Paglilinaw ni Albert, hindi niya ito kusang hinahanap kundi hinihintay lamang daw niya kung may naitakda sa kanya ang tadhana.

“Hindi ko siya hinahanap. Makasalubong? Parang ganun lang.

"Pag nangyari, mangyayari.

“I just don’t… ayokong i-focus ang sarili ko dun, kasi hindi rin fair sa tao, e.

"Kasi gusto ko, kung anuman ang mangyari, natural, di ba?

"Mahirap yung pipilitin mo, tapos kukumpara mo lang sa asawa mo, e, hindi rin magwu-work yun."

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Albert sa launching ng bago niyang endorsement sa ilalim ng RDL Beauty Products, na ginanap noong Martes, July 25.

LOLO ALBERT. Sa ngayon daw, excited si Albert sa pagdating ng kanyang unang apo sa panganay na anak na si Alyanna Martinez-Macam.

Sa January 2018 nakatakdang magsilang si Alyanna sa unang anak nila ng photographer na si Roy Macam.

Sabi ng award-winning actor-director, “Well, I’m excited, kasi nga malalaki na ang mga anak ko.

“Siguro it’s time naman for me to go to the cycle of life again, na magkakaroon ako ng mamahalin na bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi mga anak ko, kanya-kanyang buhay na, di ba?

“So, I’m preparing para spoil-in yung aking magiging apo.”

Tatlo ang anak nina Albert at Liezl: sina Alyanna, Alissa, at Alfonso.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN