Gabbi Garcia clarifies love team with Ruru Madrid not yet over

IMAGE Noel Orsal

Gabbi Garcia on why people think she and Ruru Madrid are growing apart: "Siguro kasi, parang mas lumawak ang mundo namin nang mag-Enca kami."

 


Ang paghihiwalay diumano nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid bilang magka-love team ang isa sa mainit na isyu ngayon. 

Pagkatapos kasi ng Encantadia, si Ruru ay may bagong primetime series, ang Alyas Robin Hood 2, pero hindi na niya kasama rito si Gabbi.

Bukod sa di magtumang schedules, naniniwala si Gabbi na naging dahilan din ang pagkakaroon ng ibang love interest ni Ruru sa Encantadia kaya iniisip ng mga tao na wala na ang love team nila.

Bukod kay Gabbi, ipinarehas din si Ruru kina Kylie Padilla at Arra San Agustin sa naturang fantaserye ng GMA Network.

“Siguro oo, partly,” pag-amin ng Kapuso young actress.

“No hard feelings naman. Nakita rin naman ng mga tao na, 'Ah, puwede rin naman pala sa iba.'

“So, nagkaroon ng ideya to explore different path. 

“Ako, nag-e-explore naman ako ngayon to be cover girl, so kanya-kanya rin naman.”

Ano sa tingin niya ang reaction ng fans ng love team nila sa nangyari?

Ayon kay Gabbi, “Nagtaka talaga ang fans.

"Kasi noong mawala si Kylie, nagpasok ng ibang character pa, si Arra. Nandoon naman ako, di ba? 

“So siguro, nagkaroon ng speculation na hindi kami okay.

“Pero really, it’s just the story.”

Nasaktan ba siya nang maipareha sa iba si Ruru, kahit na nandoon din naman siya sa Encantadia?

“Hindi naman ako totally nasaktan. Siguro nagulat lang ako,” pag-amin niya.

Paliwanag pa niya, “May fans kami, e, ayoko lang masaktan ang fans.

“Kahit na noong duration ng kay Kylie, kay Arra, I made sure na kinu-comfort ko ang fans.

"Binibigyan ko sila ng motivation na okay kami."

Ano naman ang masasabi niya sa mga naninisi sa kanya?

“Hindi ko alam why most of the blame, feeling nila sa akin.

“Eh parang ako, wala naman akong ginawa. 

“I mean, wala talaga.

“Okey naman kami ni Kylie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“ Hindi ko makita kung bakit sa akin nila yun bine-blame.

“So sure ako, rest assured sa buong duration na nandun ako para sa GabRu.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabbi sa set visit ng press sa set ng Sunday PinaSaya, sa Studio 7 ng GMA Network, noong Linggo, July 23.


Stories We Are Tracking

Gabbi surprised by temporary split of love team with Ruru
Gabbi surprised by temporary split of love team with Ruru
Ruru Madrid smitten by Arra San Agustin's beauty
Ruru Madrid smitten by Arra San Agustin's beauty

NO QUALMS. Open naman daw si Gabbi kung iparehas siya sa ibang Kapuso actors, maliban kay Ruru.

Pahayag niya, “Hindi naman po kasi ako mapili sa mga partner-partner. 

“Kung ano ang sabihin ng management, siyempre dun ako.

“Pero siyempre, nandun pa rin ako sa pinaka kumportable kong kapareha, si Ruru. 

“Three years na, e.

“Pero as of now, wala pa naman silang sinasabi na ipi-pair ako sa iba.”

May balitang ipapareha raw siya kay Ivan Dorschner. Ayos lang ba iyon sa kanya?

“Naririnig ko rin ‘yan, pero nakakatawa, kasi nauuna pa sila sa akin. 

“Hindi ko alam... pero ako, I’m okay with anyone.

“Ivan is a good guy.

“Parang nakakasama ko siya tuwing events.

“Nag-uusap naman kami, pero hindi naman close-close talaga.

“Pero nakakasama ko siya sa events, and mukhang okay naman si Ivan.”

WIDER WORLD. May mga nakakapansing tila nagkakalayo na ang loob nina Gabbi at Ruru sa isa't isa.

May nagbago nga ba sa kanila?

Saad ni Gabbi, “Wala naman, mas naging focus kami. 

“Siguro kasi, parang mas lumawak ang mundo namin nang mag-Enca kami. 

“Before Enca kasi, lagi lang kaming dalawa, literally.

“Parang nung nag-Enca kami, lumawak ang friends namin, mga katrabaho namin, so lumawak din kami.”

Ayon pa sa teen actress, hindi naman nawala ang closeness sa pagitan nila ng binata.

Nabanggit din ni Gabbi na natutuwa siya dahil nabigyan sila ni Ruru ng pagkakataong mapabilang sa Sunday PinaSaya, ang weekly variety-comedy show ng Kapuso network.

Sabi niya, “Ito ang comfort zone ng GabRu, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit na magkaroon kami ng iba-ibang shows, iba-ibang projects, every week nakikita nila kami rito.

“At talagang binibigyan kami ng chance ng Sunday PinaSaya na paligayahin namin ang mga fans namin.

“So, hindi pa rin namin sila napapabayaan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN