Gabbi Garcia slams rumor that she's verbally abusive to Ruru Madrid

IMAGE Noel Orsal

Gabbi Garcia admits to having disagreements with Ruru Madrid, "pero never kong sinabihan ng masasamang bagay si Ruru," she says.


“Dyusko, ang tagal nang na-settle ng issue na ‘yan!”

Ito ang sagot ng Kapuso young actress na si Gabbi Garcia nang matanong muli tungkol sa isyung verbally abusive diumano siya sa ka-love team na si Ruru Madrid.

Dagdag pa niya, “Siguro kung may verbal abuse, hindi talaga kami totally okay ni Ruru.

"And I don’t think naman… nakakatawa naman."

Ano ba ang nangyayari kapag hindi sila nagkakasundo ng binata?

Ayon kay Gabbi, “Minsan nag-aaway kami, natural lang naman dahil palagi kaming magkasama.

“Pero never kong sinabihan ng masasamang bagay si Ruru.

“Unang-una, magkatrabaho kami, hindi lang kami magkaibigan.

“I don’t think naman na magpapaganun si Ruru, siya mismo, di ba?”

Mayroon nga ba siyang attitude problem?

Sagot niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Honestly, hindi ko po alam kung saan nanggagaling ‘yan.

“Unang-una sa lahat, kahit na nahiwalay ang love team namin [sa] Enca, wala silang narinig from me.

“Ni hindi ako nagrereklamo.”


Stories We Are Tracking

Gabbi Garcia denies being 'verbally abusive' to Ruru Madrid
Gabbi Garcia denies being 'verbally abusive' to Ruru Madrid
Ruru defends Gabbi from 'verbally abusive' rumor
Ruru defends Gabbi from 'verbally abusive' rumor

THE OTHER SUITOR. Nali-link din ang dalaga sa young actor na si Kahlil Ramos na taga-ABS-CBN.

Dati na itong itinanggi ni Gabbi, ngunit bakit hindi pa rin mamatay-matay ang isyu?

“E, kasi lumalabas kami.

“Totoo namang lumalabas kami, with friends. Isang circle kami e.

“Na-meet ko siya, 2015 pa.”

Sino ang kasama nilang lumabas?

“Kasama namin si Julia [Baretto] minsan, hindi lang kami nagpu-post.”

Dugtong pa ni Gabbi, “Bakit naman?

“Nagugulat lang ako na binibigyan nila ng malisya nang makita nila kaming lumabas.”

Hindi ba talaga nanliligaw si Kahlil sa kanya?

“Hindi naman, wala naman akong nararamdaman!” natawang sabi niya.

“At saka, may instinct naman.

“Di ba, kapag babae, may instinct ka naman?

“Pero wala, parang wala naman. 

“At saka nabasa ko rin ang interview niya, sinabi niya na wala talaga.”


Stories We Are Tracking

Khalil Ramos clarifies real score with Gabbi Garcia
Khalil Ramos clarifies real score with Gabbi Garcia


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN