Quark Henares settles 'tampo' with mom Vicki Belo

IMAGE Glen Sibonga

Director Quark Henares on mom Vicki Belo's civil wedding with Hayden Kho Jr.: "Apparently, eto pala yun… kasi magpapakasal naman talaga sila, di ba? Kailangan lang ng French embassy ng proof ng marriage, iyon lang. So, parang hindi siya big thing. Kaya kung makikita mo, parang apat lang sila, di ba? So, parang na-guilty na rin siya na parang hindi niya ako nasabihan."


Nagkaayos din agad si Quark Henares at ang kanyang inang si Vicki Belo matapos magtampo ng direktor nang hindi siya masabihan tungkol sa surprise civil wedding ng ina sa long-time boyfriend nitong si Hayden Kho noong June 23, officiated by Makati Mayor Abigail Binay.

Ang alam lang daw kasi ni Quark ay ang kasal ng dalawa sa Paris, France later this year.

Nasa Amerika ang direktor nang mangyari ang civil wedding kaya idinaan niya sa pag-post sa kanyang personal Facebook account ang tampo niya.

Sabi ni Quark sa kanyang FB post: “Dear people with children: If you ever get married again be sure to give the kids a heads up, lest they find out via reporters calling them in the middle of the night.”


Stories We Are Tracking

Vicki Belo and Hayden Kho Jr. are now married!
Vicki Belo and Hayden Kho Jr. are now married!
Quark Henares clueless about Vicki-Hayden civil wedding?
Quark Henares clueless about Vicki-Hayden civil wedding?

Pero sabi ni Quark sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nagkausap na silang mag-ina at doon niya naintindihan ang lahat.

Saad niya, “Okay na, nag-sorry rin noong umuwi ako.

“Apparently, eto pala yun… kasi magpapakasal naman talaga sila, di ba?

“Kailangan lang ng French embassy ng proof ng marriage, iyon lang.

“So, parang hindi siya big thing. Kaya kung makikita mo, parang apat lang sila, di ba?

“So, parang na-guilty na rin siya na parang hindi niya ako nasabihan.

“So, all is good in the world.”

Nakausap ng PEP.ph si Quark sa grand launch ng TBA Studios para sa kanilang upcoming movie projects at announcement ng partnership nila sa telecommunication company na Globe Telecom, sa pamamagitan ng Globe Studios.

Si Quark ang head ng Globe Studios, na magiging co-producer ng TBA Studios sa ilang proyekto, gaya na lang ng follow-up movie ni Jerrold Tarog sa Heneral Luna, ang Goyo: Ang Batang Heneral, na pinagbibidahan ni Paulo Avelino.

Ang Globe din ang hahawak sa marketing ng isa pang pelikula ng TBA, ang Birdshot, na official entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginanap ang grand launch ng TBA sa Marquee Tent, EDSA Shangri-la Hotel, nitong Miyerkules, July 26.

BEST MAN/ESCORT. Kumusta na ngayon ang mommy niya?

Ayon kay Quark, “My mom is great. She’s awesome, she’s amazing. We had dinner last night.”

Ano ang magiging participation niya sa Paris wedding ng mommy niya at ni Hayden?

“A, surprise. Best man, I believe.

“I don’t know anong tawag doon sa maghahatid.

“So, I’m gonna walk my mom sa aisle.”

How about ang kapatid niyang si Cristalle Belo?

Sabi ni Quark, “I’m not sure, actually…

“No, I’m sure she has [a role in the wedding], hindi lang ako sure kung ano exactly. She might host.”

Gaano ka-hands on ang mom niya sa wedding?

Sabi ni Quark, “Actually, si Hayden yung pinaka-on top of the wedding. And then my mom is there.

“They have a pretty good team, yung team behind Cristalle’s wedding.

“They went to Paris two weeks ago to check out the place and everything. It’s exciting.”

Bakit daw sa Paris nila naisipang magpakasal?

“I think it’s the most romantic city in the world kaya ayun.

“Then, I think, a lot of their relationship was spent together in Paris.”

Gaano siya ka-supportive sa bagong chapter sa buhay ng mom niya?

“I mean, with Scarlet, it’s really a family.

“So, you have to support that, you have to be behind that.

“I mean, Scarlet is already living a special life.

“You know, parang the most popular baby in the Philippines.

“So, it would be nice for her and that would keep her grounded, I think.”

Si Scarlet Snow Belo ang anak nina Vicki at Hayden.

WHAT TO CALL HAYDEN. Close din daw si Quark sa magiging stepfather niyang si Hayden.

Binibiro na nga raw niya ito kung ano ang itatawag dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang Dad na, e. ‘Hey, Pop.’

“Hindi ko nga alam kung Tay o Pop o Dad. I don’t know!” sabay tawa ni Quark.

Diin pa niya, “There’s no animosity between us.”

May wish ba siya para sa kanyang ina at kay Hayden?

“I wish you joy and happiness. But above all these, I’m wishing you love,” pagkopya ni Quark sa ilang lyrics ng kanta ni Whitney Houston na “I Will Always Love You."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN