Ruru Madrid speaks up about his encounter with rude fans

IMAGE Noel Orsal

Ruru Madrid on one of his experiences during a provincial show: "One time po may nangyari sa akin, nag-show ako sa Balayan, Batangas. Pagbaba ko ng stage, may isang matanda, akala ko lalaki… simula dito sa leeg ko, dinilaan niya hanggang noo!"


Nahipuan kamakailan sa isang mall show sa Laguna si Ruru Madrid.

Pero hindi raw ito ang unang beses na naranasan iyon ng Kapuso actor.

“Ilang beses ko na pong na-experience, e, sa mga mall show,” sabi ni Ruru.

Bading ba o babae ang nanghipo sa kanya?

“Feeling ko po ano, feeling ko ano… something.

"Kasi ano e, may diin e!” natatawang pag-amin ni Ruru. “May diin, puk!”

Kapag nakakaranas siya ng ganoon, ano ang nararamdaman niya?

Tugon ng 19-year-old actor, “Siyempre po maiinis ka rin kasi, di ba, parang private part mo na yun?

“Tapos, kumbaga, nagpunta ka na nga dun para pasayahin sila, and then babastusin ka pa.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ruru sa pocket presscon para sa second anniversary ng Sunday PinaSaya, sa Studio 7 ng GMA Network Center, noong Linggo, July 23.

Kuwento pa ni Ruru, “One time po may nangyari sa akin, nag-show ako sa Balayan, Batangas.

“Pagbaba ko ng stage, may isang matanda, akala ko lalaki… simula dito sa leeg ko, dinilaan niya hanggang noo!”

Sa pagkabigla at galit ay itinulak daw ni Ruru ang naturang lalaki.

“Hindi ko po napigilan yung galit ko, ginanun ko siya talaga sa leeg! Nabigla po ako. 

“Matanda na po, puti na ang buhok.”

Inawat daw siya ng security personnel sa event.

“Tapos itinuloy ko na lang po yung kanta ko."

THE BATAAN INCIDENT. Lahad pa ni Ruru, “Tapos yung sa Bataan naman po, habang kumakanta ako, mga sundalo na po yung mga bantay, hindi natakot yung mga tao, umakyat talaga sa stage.

“Napuno ng tao yung stage habang kumakanta ako.

"Wala pang first chorus, ginanun na naman ako!"

May nandakma na naman daw sa kanyang private part.

“Sabi ko, 'Wala namang santol dito, e!'” natawa na lang na sabi ni Ruru.

“Ibinaba po ako ng stage, hindi po itinuloy [ang pagkanta].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mapipikon ka po talaga, kasi siyempre, kahit naman po sino, e.”

Dagdag ng Kapuso star, “Pero mas matatanggap ko pa yun kesa yung makakita ako ng nambabastos ng babae.

“Yung kunyari sa harap ko biglang hinawakan yung boobs, mapipikon ako, sasapakin ko talaga, feeling ko!

“Kunyari kaibigan ko o ano kasama ko, biglang kunyari mall show, siksikan, nakita ko sinadya…”

Mananakit na siya?

“Oo,” sagot ni Ruru.

Pero kung siya ang babastusin ay makakapagpasensiya pa raw si Ruru.

“Wala, pagpapasensiyahan ko na lang.

“Pero iba kasi pagka lalaki yung gumagawa ng ganun, e.

“Siyempre yung lalaki, maaano ka, e,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN