BF of complainant in Noven Belleza case reactivates Facebook after outburst

IMAGE Courtesy: Noven Belleza official Facebook page

Mahinahon na ang tono ng Facebook status ng nobyo ng complainant sa kasong sexual assault laban sa singer na si Noven Belleza, matapos nitong i-deactivate ang kanyang account noong nakaraang linggo. 


Nag-deactivate ng kanyang Facebook account noong nakaraang linggo ang nobyo ng complainant sa kasong sexual assault laban sa "Tawag ng Tanghalan" champion na si Noven Belleza.

Ito ay matapos ilathala ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang status sa Facebook, kung saan naghayag ito ng galit laban sa singer at sa bashers ng kanyang nobya.

Bago niya i-deactivate ang kanyang FB account, nagpalit muna siya ng account handle at binura rin niya ang kanyang post.

Ngunit makalipas ang halos isang linggo, muling naging active sa Facebook ang boyfriend ng complainant.

Ngayong Biyernes, July 28, ay nag-post ito ng isang music video kasama ang isang babae, na kagaya niya ay local singer din sa Cebu.

Taliwas sa maaanghang na salita niya noong nakaraang linggo, ngayon ay tila mahinahon na ang nobyo ng complainant.

Ayon sa status niya, na nakasulat sa salitang Bisaya at isinalin namin sa salitang Tagalog, kahit may mga pinagdadaanan silang unos sa buhay ay ipinapasa-Diyos na lamang daw nila ang lahat.

“Salamat at mayroon akong Panginoon na palaging nalalapitan sa lahat ng aking problema.

“Ipinagkatiwala ko sa iyo lahat aming Ama. Nakikita mo ang lahat-lahat na nagyayari dito sa mundo.

“At alam ko na wala kang pinapanigan sa bawat isa sa amin.

“IKAW na ang bahala sa lahat.

“Tuloy pa rin ang buhay.”


Stories We Are Tracking

Boyfriend of complainant slams Noven Belleza, bashers
Boyfriend of complainant slams Noven Belleza, bashers

 

Stories We Are Tracking

Noven Belleza arrested in Cebu for alleged rape
Noven Belleza arrested in Cebu for alleged rape

THE NOVEN BELLEZA CASE. Matatandaang nahuli ng Mabolo Police officers si Noven noong madaling-araw ng July 16, Linggo, sa Cebu City matapos nitong mag-guest sa concert ni Vice Ganda.

Ito ay matapos magreklamo ang isang babae, na ka-batch daw ni Noven sa "Tawag ng Tanghalan," na ginahasa diumano siya ng singer sa loob ng isang condo unit.

Sinampahan ng reklamong rape ng biktima si Noven sa Cebu City Prosecutor’s Office.

Ngunit pagkatapos ng dalawang araw, ibinaba ng fiscal sa sexual assault ang kaso dahil wala naman daw penetration na nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakalaya si Noven matapos nitong maglagak ng P120,000 na piyansa noong July 19, Miyerkules.

Nanindigan naman si Noven na inosente siya sa reklamong kinakaharap base na rin sa pahayag na inilabas ng ABS-CBN.


Stories We Are Tracking

Noven Belleza asserts innocence in sexual assault case
Noven Belleza asserts innocence in sexual assault case
Prosecutor downgrades Noven Belleza case to sexual assault
Prosecutor downgrades Noven Belleza case to sexual assault
Alleged details in rape complaint vs Noven Belleza come out
Alleged details in rape complaint vs Noven Belleza come out
"Tawag ng Tanghalan" champ Noven Belleza faces rape complaint

Sa ngayon, hindi pa naitakda ang unang pagdinig sa kasong kinakaharap ng Kapamilya singer. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN