Marian Rivera fears husband Dingdong Dantes as her director

IMAGE Mark Nicdao / Marian Rivera Instagram

Marian Rivera admits feeling edgy with Dingdong Dantes as her director. She related her husband had warned her to brace herself for the inevitable. "Yung totoo, parang ayoko nang gawin," she said.


Tila may pangamba si Marian Rivera na sa special episode ng hinu-host niyang drama anthology na Tadhana, kung saan siya ang magbibida, ay ang mister niyang si Dingdong Dantes ang kanyang magiging direktor.

Lahad ni Marian, “Sabi ko nga sa kanya, ‘Mahal, sa totoo lang, yung emosyon ko, kinakabahan na director kita, ha.'

"Sabi ko, ‘Strict ka raw na director.’

“Sabi niya, ‘Humanda ka dun, hindi mo ako asawa dun, direktor mo ako.’

“Yung totoo, parang ayoko nang gawin!" natatawang sabi ng Kapuso actress.

Bukod sa pagiging aktor, isa ring direktor si Dingdong.

Kabilang sa mga idinirek niya ay ang horror-comedy series na Kakabakaba Adventures (2004), ang pinagbidahan niyang primetime series na Atlantika (2006), at isang segment ng pelikulang Angels (2007).

Aminado naman si Marian na nami-miss nilang mag-asawa na magkasama sa trabaho.

Ang huli nilang pinagsamahang proyekto ay ang Kapuso primetime series na My Beloved noon pang 2012.

Sabi ng aktres, “Palagi niya akong tini-text… halimbawa nasa taping ako, magse-selfie ako at ise-send ko sa kanya.

"Tapos ite-text niya sa akin, 'Alam mo, nami-miss kitang katrabaho.'

"E, siyempre sensitive, ngangalngal na naman ako."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa launching niya bilang endorser ng Snow Crystal White Tomato, sa New World Hotel, noong Miyerkules, July 26.

DOUBLE CELEBRATION. Sa August 12 ang ika-33 kaarawan ni Marian, at sa August 2 naman ang 37th birthday ni Dingdong.

Ano ang birthday wish niya para sa sarili?

Tugon ni Marian, "Para sa akin, gusto ko na maging healthy pa at strong ako.

"Para maintindi ko ang pagiging asawa at ina ko.

"Sa totoo lang, ang hirap ibalanse na nanay ka,‘tapos may anak, nag-aartista ka, may FloraVida pa ako."

Bukod sa negosyo niyang flower shop ay nagti-taping na rin si Marian ngayon bilang bida sa teleserye ng GMA Network na The Good Teacher.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, "Sabi nga ng asawa ko, 'Gigising ka na lang, pupunta ka pa talaga sa office mo, magpa-flower ka pa.'

"Lulutuan ko pa yung anak ko, papakainin."

Pero giit ni Marian, "Gusto ko naman ang ginagawa ko na maging nanay."

"Hindi naman ba siya nagkukulang na kay Dingdong?

"Konti!" natatawang sambit niya.

Ano naman ang birthday wish niya para sa asawa?

“Maging healthy rin siya kasi sunud-sunod ang trabaho niya, at saka sana hindi siya magkasakit.

"Siyempre maging strong pa rin ang relationship namin dahil gusto pa namin na maraming-maraming anak."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN