Marian Rivera admits getting separation anxiety when away from Baby Zia

Marian Rivera is working again, but being away from daughter Baby Zia is a struggle for her. "Nami-miss ko ang anak ko… Para talaga akong sira!" she moaned.

 


Inamin ni Marian Rivera na nakakaramdam siya ng separation anxiety ngayong balik na siya sa paggawa ng teleserye.

Ito ay dahil nami-miss niya nang husto ang panganay nilang anak ni Dingdong Dantes na si Zia.

Si Marian ang bida sa upcoming primetime series ng GMA Network na The Good Teacher.

Kuwento ng Kapuso actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Umiiyak talaga ako kasi nami-miss ko ang anak ko.

“Minsan tumatawag ako kay Dong, ‘Dad, nami-miss ko na si Zia.’

"Kasi naka-monitor ako, sasabihin niya, ‘Nasaan ka ba?’

“'Nasa van.'

“‘Bakit ka ba nasa van? Bumaba ka, makipagkuwentuhan ka sa mga staff para malibang ka. Hindi mo namamalayan ang oras, pauwi ka na.’”

Minsan daw, kahit ang manager niyang si Rams David ay tinatawagan ni Marian.

"Para talaga akong sira! E, ganun talaga!" natawang sabi pa ng 32-year-old actress.

Nagbiro pa itong baka sabihan na raw siya ng anak ng "Who you?" dahil sa madalas nilang hindi pagkikita.

Pero hindi raw mangyayari yun dahil, "Katabi ko siyang matulog at saka palagi ko siyang pine-Facetime."

Dagdag pa ni Marian tungkol sa anak, "Marunong maglambing, siguro isa yun sa nakuha ng anak ko sa akin.

“Sobrang cariñosa talaga."

SMART BABY. Isinama ni Marian si Zia sa press launch niya bilang endorser ng Snow Crystal White Tomato, sa New World Hotel, noong Miyerkules, July 26.

Dito namin napansing ismarteng bata ang anak nina Marian at Dingdong.

Mahigit isang taon pa lang ito, pero matatas nang magsalita.

Nakakapagbilang na rin si Zia ng one to10, nakakapag-recite ng alphabet, at sumasagot sa bawat tanong.

Lahad pa ng doting mother, "Pag may mali siya, sinasabi namin sa kanya.  

“Ewan ko, makikita niyo anak ko, kapag kausap, mabilis siyang umintindi.

"Kapag hindi, hindi."

Kanino mas takot si Zia?

"Sa akin," mabilis na sagot ni Marian.

Hindi naman daw siya namamalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi pa namin napag-uusapang mag-asawa.

“Kasi paano ko papaluin ang anak ko kung hindi pa siya totoong nakakaintindi ng situwasyon?

"Siguro pag malaki na, may kasalanan, kausapin.

“Pag hindi talaga, kurutin sa singit; hintayin ko muna siyang lumaki."

ANOTHER BABY? Marami rin ang nakapansing mas gumanda at sumeksi si Marian mula nang maging mommy.

Ayon sa kanya, 19 inches na lang ang waistline niya at sukat halos sa isang dangkal ng palad niya.

Saad pa niya, "Okay na yun kesa naman pumangit ako.

"Kung ang pagiging nanay feeling nila may nagbago, may nangyari…

“Hindi matatawaran ang pagkakaroon ng isang anak.

"Kaya nga kailangan mong alagaan ang sarili mo, kailangan may maintenance ka."

Nangiti lang si Marian sa komentong siguradong napapansin ni Dingdong na mas gumaganda at sumeseksi ang asawa niya.

Gusto na nga raw nitong mabigyan ng kapatid si Zia.

"Gusto na niya, pero hindi pa puwede!" natawang sabi ni Marian.

"Kailangan ko munang mag-soap, pangako ko 'yan sa GMA, at tutuparin ko 'yan."

At kung tatanungin si Zia, gusto na rin daw nitong magkaroon ng kapatid.

"Sasabihin niya, 'baby boy!'" may pagmamalaking sabi ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN