Thea Tolentino finally meets long-time crush K-pop star Alexander Lee

IMAGE Thea Tolentino Instagram / Noel Orsal

Thea Tolentino on meeting her crush, K-pop star Alexander Lee: "Kinakabahan ako, buti nga nakatulog ako kagabi!"


Hindi naitago ng Kapuso actress na si Thea Tolentino ang kanyang pagkakilig nang makilala at makita ang matagal na niyang crush na K-pop star na si Alexander Lee.

Si Alexander—half-Korean, quarter-Portuguese, at quarter-Chinese na ipinanganak sa Hong Kong—ay dating miyembro ng K-pop group na U-Kiss at ngayon ay isa nang aktor sa South Korea.

Inamin ni Thea na noong high school pa lang siya ay fan na siya ng U-Kiss, at si Alexander ang pinaka-crush niya sa grupo.

Sabi ng Haplos actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “May charm siya, e.

"Ang gusto ko talaga si Alexander, number one siya.

“Siya talaga yung tinitingnan ko palagi sa U-Kiss.”


(Alexander, extreme left, with U-Kiss members)

Dumating si Alexander sa Pilipinas noong July 22 para mag-shoot ng ilang eksena para sa upcoming primetime series ng GMA Network na My Korean Jagiya, kung saan leading lady niya si Heart Evangelista.

Nag-courtesy call ang 28-year-old K-pop star sa GMA Network Center noong Huwebes, July 27.

Dito inabangan ni Thea ang kanyang high school crush.

Kuwento ng 20-year-old Kapuso actress, “Kasi yung production ng My Korean Jagiya, yun din ang production ng The Half Sisters.

“So, text kaagad ako, tapos ayan na, sabi ko, kailangan ko siyang makilala.”

Ang The Half Sisters ay ang afternoon drama series na pinagbidahan nina Thea at Barbie Forteza, at tumagal ng halos dalawang taon.

THE MEETING. Magkahalong kaba at kilig daw ang naramdaman ni Thea nang nasa harapan na niya si Alexander.

“Kinakabahan ako, buti nga nakatulog ako kagabi!” natatawang sabi niya.

“Pag pumupunta ako dito sa GMA, usually normal lang.

“Pero ngayon, nag-ayos ako ngayon!”

Isang unforgettable moment nga raw ang pagpapa-selfie niya sa kanyang longtime crush.

Ipinost nga agad ni Thea ang selfie nila ni Alexander sa kanyang Instagram account at may caption na: “It was really nice meeting you @xander0729 ! ???????? #MyKoreanJagiya”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

It was really nice meeting you @xander0729 ! ???????? #MyKoreanJagiya

A post shared by Thea Tolentino (@theatolentino) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN