Sen. Risa Hontiveros addresses fake photo with Sen. Kiko Pangilinan, Youth SONA issue

IMAGE Allan Sancon

Senator Risa Hontiveros on youth using foul words in social media: "Yung mga nag-uudyok o nagtuturo sa kanila ng ganyan, or nag-uudyok at nagtuturo sa kahit na sinong tao, ay kailangan ng training service ng tamang asal."


Sinagot ni Senator Risa Hontiveros ang ilang mga isyung ibinabato sa kanya ngayon.

Kabilang na rito ang lumabas na fake photo nila ni Senator Kiko Pangilinan, kung saan pinalabas na magka-holding hands sila habang naglalakad.

Nauna na itong pinasinungalingan ng mismong misis ni Senator Kiko na si Sharon Cuneta.


Stories We Are Tracking

Sharon Cuneta defends Sen. Kiko Pangilinan from critics
Sharon Cuneta defends Sen. Kiko Pangilinan from critics

Pahayag ni Senator Risa, “Mabuti na lang mismong si Mega ang nagpasinungaling sa fake photo na yun.

“Sabi niya dun, na ang mga ganung gawain ay gawain ng evil.

“Ang ating one and only Megastar na ang nagsalita, so tigilan na nila ‘yan.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Senator Risa sa charity lunch ng PAWS na Bon ApPETit, na ginanap sa Vikings Restaurant, Seaside SM Mall of Asia, noong July 23.

YOUTH SONA. Kamakailan ay binatikos ng ilang netizens at mga pro-Duterte ang partisipasyon ni Hontiveros sa Youth SONA, kung saan nagtipun-tipon ang humigit-kumulang 1,000 estudyante mula sa iba’t ibang eskuwelahan sa Metro Manila para isang “cultural protest” upang ipagtanggol ang “human rights and civil liberties.”

Ayon sa mga bumatikos, ginamit daw ng senadora ang mga estudyante laban sa administrasyon ni President Rodrigo Duterte.

Si Hontiveros ay kabilang sa Liberal Party, ang partido ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Saad ng senadora tungkol sa pagbatikos sa kanya, “Dun sa mga pagkilos ng mga youth, sila ang nag-oorganisa at iniimbita nila ako minsan.

“And I’m always very glad to meet them, lalo na bilang aktibista, nagsimula din ako nung teenager sa high school.

“Saka nakakatuwa yung isang pinaka-recent na idinaos nila na Youth SONA, nandun pati yung mga magulang nila, pati yung parent-teacher association.”

Itinanggi ni Hontiveros ang paratang na ginamit diumano niya ang mga kabataan para sa pansariling interes.

“Definitely, there was no using because there was no pagpapagamit din.

“Dahil yung event na yun mismo ay mga estudyante ang nag-stage at sila ang nag-imbita sa akin na magsalita, at nandun yung mga magulang nila mismo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HANDLING BASHERS. Paano hinaharap ng senadora ang mga pamba-bash sa kanya, lalo na ang mga nagmumura sa kanya sa social media?

Tugon ni Hontiveros, “Well, kung kabataan ang gumagawa at nagmumura, nalulungkot ako dahil magulang din ako.

“Kaming mga magulang ay tinuturuan namin ng tamang asal yung aming mga anak at sinasabihan namin, kung magmura sila, na huwag niyong gagawin 'yan.

“Hindi ‘yan magandang ugali ng isang matinong tao.

“So, yung mga nag-uudyok o nagtuturo sa kanila ng ganyan, or nag-uudyok at nagtuturo sa kahit na sinong tao, ay kailangan ng training service ng tamang asal.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN