Rhian Ramos hopes boyfriend Jason Chuachuy is 'the one'

IMAGE Noel Orsal

Rhian Ramos on boyfriend Jason Choachuy: "Bilib na bilib ako sa kanya kasi napaka-secure niya sa sarili niya."


Nakikita raw ni Rhian Ramos na ang boyfriend niyang si Jason Choachuy na ang 'the one' para sa kanya. 

Dalawang taon na ang relasyon ng magkasintahan.

Saad ng 26-year-old Kapuso actress, "As of this moment, I don't see any reason why we should end the relationship.

"But, ayoko din naman magsalita ng tapos because, in my personal experience, ako ang mapapahiya.

"But I'm in a really good place in my love life, and in my life in general. So, yeah."

Bilib na bilib daw si Rhian sa kanyang Filipino-Chinese businessman boyfriend dahil may tiwala ito sa pagdating sa trabaho niya sa showbiz.

Aniya, "Bilib na bilib ako sa kanya kasi napaka-secure niya sa sarili niya.

"Kasi, I think siguro for someone na non-showbiz, you really have to find someone na secure.

"Kasi kapag lumalabas kayo, marami lumalapit sa 'yo.

"Kapag hindi secure ang partner mo dun, kung na-bother siya dun...

"Kasi minsan, kapag may nagpapa-picture, aakbayan ka kaagad or hihilahin ka or whatever.

"Kung hindi secure yung partner ko, baka pipitik yun, di ba?"

Black Bird on a Bubble's Birthday ???? minsan lang naman, @cho_jac ? papicture naman

A post shared by Rhian Ramos (@whianwamos) on

Nakikita ni Rhian na sa edad na 35 ay lalagay na siya sa tahimik, kasama ang lalaking nakatakda para sa kanya.

Gusto pa raw kasi niyang ma-enjoy ang kanyang karera, lalo na at feeling niya, naka-full circle ang takbo nito sa ngayon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rhian sa dance rehearsal niya para sa kanyang concert na Rhian of Steel, sa isang dance studio sa Quezon City, kahapon, July 28.

11 YEARS IN SHOWBIZ. Ngayong July ay isini-celebrate ni Rhian ang kanyang ika-11 taon sa showbiz.

Walang pagsidlan ang kanyang galak dahil nasubukan na raw niya halos lahat sa industriya—mapa-acting man ito o hosting.

Ngayong Sabado ng gabi, July 29, gaganapin ang concert ni Rhian na may pamagat na Rhian of Steel sa Teatrino Greenhills, San Juan City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Rhian, matagal na itong hiling ng CybeRhians, pangalan ng fans club niya, at sila mismo ang nag-produce ng concert para sa kanya.

Bakit Rhian of Steel?

Paliwanag ni Rhian, "Kasi steel is the 11th year.

"At saka nagbagay na din yung 11th year at yung steel dun sa, di ba, pag sinabi mong 'Man of Steel' or 'Woman of Steel,' you're talking about strength?

"So, yung theme din nung concert ay tungkol sa love, strength, trials, overcoming... mga ganun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN