Maegan Aguilar cusses out Raffy Tulfo in light of her taxi theft allegations

IMAGE Phoebe Dee Facebook

Maegan Aguilar deactivated her Facebook account after being bashed by netizens for her negative posts against a taxi driver who she accused of theft. She also ranted against radio broadcaster Raffy Tulfo.


Nabatikos nang husto sa social media si Maegan Aguila matapos nitong akusahan ng pagnanakaw ang isang taxi driver nitong nakaraang Linggo, July 23.

Si Maegan ay anak ng OPM legend na si Freddie Aguilar.

Ayon sa kanyang post sa Facebook account na may handle name na Phoebe Dee, itinakbo raw ng driver ng Nimble taxi ang kanyang gitara at ilang damit at sapatos nang ibinaba siya nito sa kanyang destinasyon.

Ngunit itinanggi ito ng driver at ng operator ng taxi na minamaneho niya.

Hindi raw napansin ng driver na may naiwan pang gamit si Maegan sa taxi kaya naman isinangguni niya kaagad ito sa kanyang operator.

Hindi rin niya ito agad naibalik kay Maegan dahil siya ang naghahatid ng kanyang anak sa eskuwela.


Stories We Are Tracking

Maegan Aguilar accuses taxi driver of theft
Maegan Aguilar accuses taxi driver of theft

MAEGAN STANDS BY THEFT ACCUSATION. Naibalik na kay Maegan ang kanyang mga gamit, kasama na ang gitara, ngunit pinanindigan niya ang akusasyong magnanakaw ang nasabing taxi driver.

Sa kanyang post sa Facebook nitong nakaraang Huwebes, July 27, katakut-takot na masasakit na salita ang pinakawalan ni Maegan laban sa driver.

Binantaan pa niyang sasampahan niya ng kaso ang driver dahil sa kanyang ginawa.

Narito ang post ni Maegan:

(Courtesy of Dexter Hidalgo on Facebook)

MAEGAN CALLS RAFFY TULFO "BAYARAN." Kasunod na post ni Maegan ay nabalingan naman nito ang TV5 broadcaster at radio host na si Raffy Tulfo.

Nakarating daw kasi sa kanyang lumapit ang taxi driver sa programa ni Raffy sa Radyo Singko.

Tinawag pa niya si Raffy na “walang bayag” sabay pakawala ng malutong na mura.

(Courtesy of Dexter Hidalgo on Facebook)

MAEGAN CALLS BASHERS 'BITCHESSSSS.' Sa dalawa pang posts ni Maegan, tinawag naman niya ang kanyang bashers na "mahihirap" at "walang pangkain" dahil ginagamit daw nila ang kanilang barya sa Pisonet.

Ang Pisonet ay internet business kung saan piso ang bayad sa renta ng internet kada isang minuto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(Courtesy of Dexter Hidalgo on Facebook)

Matapos nito, nag-deactivate na si Maegan ng kanyang Facebook account.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN