Ahron Villena apologizes for mistakenly uploading nude photo

IMAGE Ahron Villena Instagram

Ahron Villena apologized for mistakenly uploading his nude photo on his Instagram Stories yesterday, Friday, July 28: "Presssed wrong button. Not meant to be shared. Sorry for the mistake. That's all there is to it."


Hindi itinanggi ni Ahron Villena na kanya nga ang viral nude photo na kumakalat ngayon sa social media.

Ayon sa kanya, nagkamali siya ng napindot na button sa kanyang cellphone kaya na-upload niya sa kanyang Instagram Stories ang kanyang hubad na larawan kunsaan kitang-kita ang kanyang ari.

Sa kanyang Twitter account ngayong hapon, humingi nang paumanhin si Ahron sa kanyang pagkakamali.

Ayon pa sa La Luna Sangre actor, pansarili lang dapat daw yung kanyang hubad na larawan ngunit dahil sa pagod at puyat at sa hindi pagiging maingat, na-upload niya ang kanyang larawan kahapon, July 28.

Sabi ni Ahron sa kanyang Twitter update, "Pagor + Puyat + Careless Mistake = Boomerang Fail!

"Pressed wrong button. Not meant to be shared.

"Sorry for the mistake. That's all there is to it."

Matatandaang nitong nakaraang Biyernes ng hapon, biglang nag-viral ang nude picture ni Ahron sa social media.

Maagap na na-screenshot ng ilang netizens ang kanyang IG stories kunsaan kita ang hubad niyang larawan.

Kaagad din niyang binura ang nauna niyang post.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN