Donita Rose not yet ready to entertain suitors

IMAGE Noel Orsal

Donita Rose admits that she's not yet ready to entertain suitors, despite her recent divorce from husband Eric Villarama: "Wala pa talaga. I've been single since 'yung separation. It's been like three and a half years. I've never dated, never thought about anything. Because I just really wanted my heart to heal first."


Nagagawa nang magbiro ng actress at TV host na si Donita Rose tungkol sa estado ng buhay niya ngayon.

Inamin na ni Donita na divorced na siya sa kanyang mister na si Eric Villarama noon pang December 2016.

Noong 2015, inamin ni Donita na nagkaroon sila ng marital problems ni Eric hanggang sa mauwi na ito sa hiwalayan.

Kahit divorced na si Donita, ang annulment naman nila ni Eric ang inaasikaso niya rito sa Pilipinas.

Ayon sa aktres, Filipino citizen siya at kailangan pa raw ng annulment para tuluyang mapawalang-bisa na ang kasal nila ni Eric.

Sa naganap na press launch ng cooking show ni Donita sa GMA-7 na HeartMate Kitchen noong nakaraang July 25 sa GMA Network Center, tinanong ito kung handa na ba siyang mag-entertain ng manliligaw.

"Absolutely!

"Meron ba? May kilala ka ba?” natatawang biro niya.

NOT YET READY. Pero wala naman daw nagpaparamdam sa kanya sa ngayon.

Mas gusto raw muna ni Donita na maging maayos muna ang lahat sa buhay niya.

"Wala pa talaga.

"I've been single since 'yung separation.

"It's been like three and a half years.

"I've never dated, never thought about anything.

"Because I just really wanted my heart to heal first.

"You know when you're brokenhearted, I don't know how people can think about love when they're brokenhearted.

"You really need to heal first,” diin pa niya.

Ngayon ay paunti-unti nang nakaka-move on si Donita.

Gusto niyang mag-focus sa kanyang bagong TV show at maayos na co-parenting obligations nila ni Eric sa nag-iisang anak nilang si JP.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN