Rocco Nacino reveals most valuable lesson from staying single

IMAGE Noel Orsal

Rocco Nacino reveals the most valuable lesson he learned from staying single: "Sa process na single ako, for siguro going two years na, mas natututunan ko na mahalin yung sarili ko. Mas naiintindihan ko na yung sarili ko. Alam ko na yung gusto ko."

 


Tinanong namin si Rocco Nacino kung ang desisyon ba niya na huwag munang makipagrelasyon ay may kinalaman sa mga nakaraan niyang relationships na hindi naging successful?

July last year noong nag-breakup sila ng kanyang girlfriend na si Lovi Poe, at tumagal ng dalawang taon ang kanilang relasyon.

Aniya, “Siguro, siguro. Posible.

“You can say that. Actually, ngayon ko lang nare-realize, oo nga ano?

“But every failed relationship comes a great lesson.

“So ito yung mga decisions na hindi ko nire-regret.

“Masaya ako na pinagdaanan ko dahil alam ko ngayon kung paano ko dapat i-handle ang isang relationship.

“So lahat ng mali na ginagawa ko dati, itinatama ko ngayon.”

STILL CLOSE TO ENZO. Inamin ni Rocco na may komunikasyon pa rin sila ni Enzo Pineda.

Magkaibigan pa rin silang dalawa.

Napag-uusapan naman daw nila ang sitwasyon ni Enzo sa ABS-CBN.

Lahad ni Rocco, “Happy siya!

“Magkikita kami soon dahil malapit ng lumabas yung movie namin, yung Bar Boys.”

Ang naturang indie movie ay pagbibidahan nina Rocco, Enzo, Carlo Aquino at Kean Cipriano.

“Ako na lang ang GMA,” at tumawa si Rocco.

Kahit magkaiba sila ng network ni Enzo ay hindi raw naaapektuhan ang kanilang friendship.

“Definitely not.

“A friendship that came from StarStruck na akala namin magiging worst rivals kami, pero naging mag-best friends kami.

“At nakakatuwa na kahit lumipat na siya, I’m happy for him sa move niya dahil ang dami niyang projects.

“Napaka-close, napaka-tight pa rin namin.”

Sa panulat at direksyon ni Kip Oebanda, ang Bar Boys ay produced ng Tropic Fills at malapit nang ipalabas ngayong August or September.

CATCHING UP WITH STEVEN. Samantala, nabanggit ni Rocco na nakita niya kamakailan si Steven Silva.

Si Steven ang Ultimate Male Survivor sa fifth batch nila noon ng StarStruck.

First Prince si Enzo at Second Prince si Rocco.

Sabi niya, “Si Steven nakita ko the other day, same condo kami, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano na ang pinagkakaabalahan ni Steven mula noong huminto ito sa pag-aartista?

Kuwento niya, “Lots of hosting, mga hosting gigs.

“Forte niya yun, magaling magsalita.”

Ganoon pa rin ba ang hitsura ni Steven?

“Oo, guwaping pa rin!”

HAPPILY SINGLE. Kahit inili-link sila ni Sanya Lopez na leading lady niya sa Haplos, magkaibigan lang raw sila, at single raw si Rocco ngayon.

“Kasi my whole life kasi, lagi akong may girlfriend.

“So sabi ko, ito na yung time na ma-enjoy ko muna…

“One year pa lang, e. One year pa lang na single ako.”

Hindi ba mahirap na ang isang guwapong artistang tulad niya ay single?

Hindi ba natural lang na may mga babaeng maghabol o magpakita ng motibo sa kanya?

Paano niya tinatanggihan ang mga ganitong klaseng babae?

“Iyan yung tinatawag na pagmamahal sa sarili.

“Na sa process na single ako, for siguro going two years na, mas natututunan ko na mahalin yung sarili ko.

“Mas naiintindihan ko na yung sarili ko. Alam ko na yung gusto ko.

“Disiplina din. You can always have fun pero kapag seryoso ka na alam mo ang tamang paraan ay maghintay talaga.”

Kailan ba siya huling naka-experience ng fun?

“Hahaha! Hindi ko na maalala.

“Kasi sunud-sunod yung tapings namin, wala rin akong oras lumabas, e.

“Ang pagkakakilala sa akin ng mga kaibigan ko gimikero, I party hard talaga.

“Pero ngayon hindi na masyado. I choose to stay at home and sleep.

“Tapos, pinipili ko na lang alagaan yung businesses ko.”

BUSINESS VENTURES. Dalawang boxing gym at tatlong restaurants ang pag-aari ni Rocco; dalawang Elorde gym sa Ortigas at sa Marcos Highway, isang Rufo’s sa Timog Ave., ang Backyard (sa The Fort) at Yuan Asian Bistro sa Kapitolyo, Pasig.

Ano ang nais niyang susunod na pasuking negosyo?

Ani Rocco, “Siguro hindi muna ngayon.

“Pero ipapatayo ko muna ang bahay ko then maglalakas-loob akong siguro, start my own company.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iyon, pinag-iisipan ko pa lang pero something to do with hair siguro.

“Dahil maalaga ako sa buhok, e.”

Hair salon?

Tanggi niya, “Hindi, hindi, products lang.”

“Sana, fingers crossed. Titingnan ko kung field ko yan.”

BUILDING HIS OWN HOUSE. Ang bahay niya ay malapit nang itayo sa Antipolo.

Dagdag pa niya, “Tapos na po kami sa mga layouts, sa planning, so mukhang September.

“Di ba sabi nila August ghost month?”

Kung sakali ba ay sa naturang bahay niya iuuwi ang kanyang bubuuing pamilya?

“Oo. Actually, iyon ang built niya, for my family na talaga.”

Ayaw i-reveal ni Rocco kung magkano ang aabutin ng bahay na ipinapatayo niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN