Lindsay de Vera open to being courted by loveteam partner Dave Bornea

IMAGE GMA Artist Center Instagram

Kapuso actress Lindsay de Vera on love team partner Dave Bornea: "He's very… parang the way he treats me, he's very gentle, very thoughtful of me. Ganun din po siya sa family members ko."


Nilinaw ng Kapuso young actress na si Lindsay de Vera na hindi pa siya nililigawan ng ka-love team niyang si Dave Bornea.

Ito ay sa kabila ng sinasabi ng mga nasa paligid nilang gusto ni Dave si Lindsay.

Ayon sa dalaga, “Hindi pa naman, hindi naman.

“Well, lots of people say that he likes me and he gives the vibes also.

“Pero wala namang exact movements or, like, words na nagsasabi na, ‘I want to…’”

Pero puwede ba siyang ligawan ni Dave?

Sagot ni Lindsay, “If he does, I’ll be open to it.

"Kasi he’s taken good care of me and my family."

Seventeen years old pa lang si Lindsay. Kung sakali, puwede na ba siyang ligawan o magkaroon ng boyfriend?

“Well, it would be a hard process also for him because of my family, my brothers.

“I have two older brothers,” banggit ng Filipino-British actress.

Hindi pa raw nagkaroon ng karelasyon si Lindsay kahit isang beses.

Base sa nauna niyang sinabi na “He takes good care of my family,” bakit hindi siya puwedeng ligawan ni Dave?

Paliwanag ni Lindsay, “Kasi people are deceived sometimes nowadays.

"So, parang for my family, of course, ako lang po yung only girl, tsaka bunso, so they only want what’s best for me also.”

Dagdag din niya, 17 pa lang siya kaya hindi pa siya puwedeng ligawan.

“So they really want to make sure that no matter how long pa, ilang years pa ang makalipas, he’ll still be taking care of me.”

Pero mukhang boto naman ang pamilya niya kay Dave.

Pagsang-ayon ni Lindsay, “He has a good reputation with them, opo.”

Ano ba ang ibig niyang sabihing “He takes care of my family”?

Paliwanag ng GMA Artist Center talent, “He’s very… parang the way he treats me, he’s very gentle, very thoughtful of me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganun din po siya sa family members ko.”

Sa January 2018 mag-e-eighteen si Lindsay. Pag dumating ang panahong iyon, puwede na ba siyang ligawan ni Dave?

“I’m not in a rush,” sagot ni Lindsay.

DAVLIN LOVE TEAM. Dahil kasalukuyang binubuo ang DavLin love team nila, hiningan namin ng reaksiyon si Lindsay sa sinabi ni Dave sa nauna niyang interview na hindi siya tatanggap ng underwear endorsement kung makakaapekto ito sa kanilang wholesome tandem.

"I’m touched about that!" bulalas niya.

“Kasi si Dave po kasi talaga, ever since before, I’ve known him for a pretty long time na rin po, ilang years na rin, and he’s always been there.

“He’s always made me smile, he’s always taken care of me and my family, in a good way.

“So hearing that, it overwhelms me a bit.

“Sabi ko, like honestly, nowadays, super-hirap makahanap ng taong ganun, na that’s how much they think of you, and how you feel whenever they do something.

“So I feel very blessed to have someone like Dave.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lindsay sa pocket presscon para kanilang tatlo nina Dave at Rob Moya, na mga kasamahan niya sa upcoming primetime series na Alyas Robin Hood 2.

EARLY YEARS. Sa isang commercial noong 2008 unang napanood si Lindsay de Vera kaya siya kinuha ng GMA para maging artista.

British ang ama ni Lindsay at Filipino-Spanish naman ang ina niya.

Kuwento niya, “I was born in Dagupan and, after a few months, we flew to Japan kasi dun po na-based ang daddy ko by that time.

“And then we lived there for four years, and after four years nag-decide po si Mom and Dad na dito kami mag-aral because of the culture.”

Sa ngayon ay naka-base sa Singapore ang ama ni Lindsay na isang computer analyst.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit naman daw magkalayo ang parents niya ay going strong ang pagsasama ng mga ito.

Madalas naman daw, hangga’t kaya ay umuuwi ng Pilipinas ang daddy niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN