Dennis Padilla hopes to rekindle ties with daughter Claudia

IMAGE Dennis Padilla Instagram

After ironing out his misunderstanding with daughter Julia Barretto (left), Dennis Padilla hopes to rekindle his relationship with daughter Claudia as well: "Sabi nga sa pelikula, di ba? I want to have a second chance as a father also. Ang susunod kong mission, I hope I get my chance being a father kay Claudia naman."


Pagkatapos maayos ang hidwaan sa pagitan nila ng anak niyang si Julia Barretto, gusto namang ayusin ni Dennis Padilla ang problema niya sa anak niyang si Claudia.

Naging isyu noon ang pagpapalit-apelyido nina Julia at Claudia.

Matatandaang naging mainit na isyu noong 2014 ang paghahain ng petisyon ni Julia sa korte na palitan ang kanyang apelyido mula Baldivia sa Barretto.

Ang Baldivia ay ang tunay na apelyido ni Dennis, at Barretto naman ang apelydio ng ina nina Julia at Claudia na si Marjorie.

Noong una ay pinaglaban ni Dennis na manatiling Baldivia sila Julia at Claudia, pero sa kalaunan ay nanahimik na lang nang kusa ang isyu lalo na noong magkaayos sila Dennis at Julia.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa komedyante sa cast party ng Finally Found Someone noong nakaraang Lunes, July 24, sa Seda Hotel sa Quezon City, nagbigay pahayag si Dennis sa kanyang hiling na mabigyan sana siya ng pangalawang pagkakataon na maging ama sa pangalawang anak niyang si Claudia.

Lahad niya, “Sabi nga sa pelikula, di ba? I want to have a second chance as a father also.

“Ang susunod kong mission, I hope I get my chance being a father kay Claudia naman.”

INVITED TO CLAUDIA'S DEBUT. Balitang sa August 5 gaganapin ang debut ni Claudia.

Ibinalita rin sa amin ni Dennis na pina-invite siya ni Claudia kay Julia para dumalo sa espesyal na araw na ito ng anak.

Kuwento niya, “It’s Julia who texted me na invited ako sa debut.

“Sabi ni Julia sa akin, 'Papa, pinai-invite ka ni Claudia sa debut niya sa August 5.'

“Ang actual birthday niya is July 26.

“Attend? Yes, of course. Di ko lang alam kung ako yung first dance or last dance, pero usually yata father ang first dance.

“Yes, I know na kaya naman siguro ako in-invite, dahil you know, gusto rin naman niya siguro akong makasama on her birthday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung anuman ang nangyaring problema, kalimutan na natin yun.

“Katulad nga ng sinabi sa movie natin, everybody naman deserves a second chance.”

MISSING HIS KIDS. Inamin naman sa amin ni Dennis na miss na miss na niya ang mga anak na sina Claudia at Leon lalo’t matagal-tagal na rin mula noong huli niyang makita at makasama ang mga ito.

Pag-amin niya, “Yes, I do miss them.

“The last time I saw Leon was December 26, six months na rin.

“Si Claudia naman, the last time I saw her was nung graduation pa niya sa Everest [Everest Academy Manila, Claudia's school], siguro mga three years na rin yun, since the last time I saw her.

“Di ko alam kung ano ang nauna, pagkamatay ni Tita Chiling, Nanay ni Randy Santiago or yung graduation.

“Basta that was September, parang magkasunod.”

SUPPORTING CLAUDIA'S SINGING CAREER. Pumasok na rin sa showbiz si Claudia kunsaan isa na itong recording star ngayon.

Ayon kay Dennis, inasahan na niya ito dahil bata pa lang ay kinakitaan na niya na hilig talaga ng anak ang pagkanta.

Pagbabalik-tanaw niya, “Oo, you know bata pa ‘yan, ako pa nga yung kasa-kasama niya pag dinadala sa voice lesson.

“Kaya bata pa lang, alam namin singer talaga ‘yan.

“Di siya gaanong mahilig mag-artista saka iba yun e, iba ang mundo nun, e.

“Ang mundo nun di siya mahilig talaga gumawa ng pelikula o mag-taping.

“Si Claudia, singing, happy na siya dun.

“Mga photoshoots, ano yun, e... mas sosyal.”

CHOICE OF SURNAME. Nang kumustahin naman namin ang kaso tungkol sa pagpapalit ng apelyido ng mga anak from Baldivia to Barretto, siniguro naman sa amin ni Dennis na binibigay niya sa kanyang mga anak ang karapatan para piliin ang apelyidong gusto nilang gamitin, lalo na't nasa tamang edad na ang mga ito.

“Yung kay Julia I withdrew it already.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung kay Claudia naman, di ko na ina-attendan yung hearing kahit mayroon, kasi mada-drop din yung case na yun.

“Wala na rin akong hahabulin tungkol dun sa family name ko kasi eighteen na rin si Julia sa 26.

“She has all the right to choose what family name she wants to use kung Baldivia ba or Barretto ba.

“Basta ako happy lang ako na successful sila sa buhay.

“Yun naman ang importante e,” diin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN