Vice Ganda hints at relationship status of Zanjoe Marudo and Bela Padilla: "Sila na daw."

IMAGE Instagram @praybeytbenjamin / @zanjoemarudo / @belapadilla

Vice Ganda on Bela Padilla's alleged relationship with Zanjoe Marudo: "He's my one great love. Hindi, ganun naman talaga. Pag nagmahal ka, dapat handa ka ring magparaya at magpalaya. Alam kong mapapanood mo ito, at kung nanonood ka ngayon, 'wag kang mag-alala, okey lang ako. Dadaanin ko lang sa 100 tula para sa 'yo. Huhuhu... Zanjoe!"


Pilit na pinaamin ni Vice Ganda si Bela Padilla kung karelasyon na ng aktres ang dating My Dear Heart leading man niyang si Zanjoe Marudo.

Panghuhuli ni Vice Ganda kay Bela, “Feeling ko hindi ka na single.

"Ayaw mo lang sabihin. Naghihintay ka lang ng tamang timing.”

Hirit ni Bela, “Ang sama ng loob ko nung Valentine’s… Nung Valentine’s na sa ‘yo.”

Pagkatapos ay nagpahaging si Vice na nasasaktan siya dahil itinuturing niyang “great love” ang lalaking karelasyon diumano ni Bela.

Dagdag ni Vice, “Baka malaman niyo. ‘Wag natin sabihin na ‘Z’ ang first letter. Nahe-hurt ako talaga…”

Sentimiyento pa ng comedian-TV host, handa siyang “magparaya at magpalaya” sa taong minahal niya.

At saka tuluyang tinukoy ang pangalan ni Zanjoe Marudo, “Huhuhu… Zanjoe!”

Sabi ni Bela kay Vice, “Sorry na.”

Sagot ni Vice, “It’s not your fault.”

Sang-ayon naman ni Bela, “It’s his fault.”

Nagpapatawang hirit ulit ni Vice, “Hindi ko kayo sisisihin, pero babalikan ko kayo!”

Nakapanayam ni Vice Ganda si Bela sa July 30 episode ng ABS-CBN late-night talk show na Gandang Gabi Vice.

Sa sumunod na segment ng show ay tuloy pa rin ang pambubuko ni Vice at sinabing magkarelasyon na sina Bela at Zanjoe, “Ngayon pa ba, e kayo na?”

Ngunit mariing tutol ni Bela, “Hindi pa kami!”

Ulit ni Vice, “Sila na daw.”

Balik-tanong ni Bela, “Sino nagsabi?”

Sagot ni Vice, “Basta, alam ko. Feeling ko talaga.”

Hirit na lang ni Bela, “Sana nga din.”

Ayon kay Bela, “single” siya, pero “sobra-sobra” raw ang saya niya ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN