Pauleen Luna shares sixth month pregnancy update

IMAGE Noel Orsal

Pauleen Luna reveals how she and hubby Vic Sotto interact with their soon-to-be-born baby girl: "Kinakausap niya [Vic] araw-araw. Kasi active siya, e. Sipa siya nang sipa. Normally, pag umaga, niyayakap ko siya from behind para ang tiyan ko nakadikit sa likod niya. Para nararamdaman niya yung sipa."


Mag-aanim na buwan pa lang ang ipinagbubuntis ni Pauleen Luna pero halos kumpleto na raw ang mga gamit niya para sa kanilang magiging baby.

Hindi raw muna niya inaayos sa ngayon dahil gusto niya meron daw siyang pinagkakaabalahan kapag mag-leave na siya sa Eat Bulaga.

“Gusto ko kasi pag mag-leave ako, dun ko na aayusin yung mga anu-ano, mga gamit.

“Kasi feeling ko mabu-bore ako kapag… since sanay akong araw-araw ako nagtatrabaho,” sabi ng Eat Bulaga co-host nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 38th anniversary presentation ng Eat Bulaga kahapon.

Dagdag niyang pahayag, “Kailangan ko pa rin i-busy ang sarili ko.

“Kaya hindi ako nag-aayos ng kuwarto.

“May mga stroller na kami sa bahay.

“Hindi ko siya sini-set up para pag nag-leave ako, saka ko siya gagawin.”

Malapit na ba siyang mag-leave sa Eat Bulaga?

“Depende sa pakiramdam at saka sa hitsura ko sa TV.

“Pag hindi na kaya… pero magaan pa naman ang pakiramdam ko ngayon,” sagot ng actress/TV host.

SONOGRAM. Natuwa raw si Vic nung minsang isinalubong niya dito ang sonogram nung nagpa-ultrasound siya.

“Hindi kasi siya kasama nun.

“Nagmi-meeting siya, na-bore ako, nagpa-ultrasound ako.

“Nakita na lang niya ang pinaka-sonogram.

“Tuwang-tuwa siya siyempre.

“Pero sabi nila it’s best to do the 4D ng mga seven months, kasi ngayon payat pa siya,” pakli ni Pauleen.

EXCITED. Halos araw-araw ay may ginagawa raw sila para maramdaman daw ng baby kung gaano sila ka-excited sa pagdating nito.

“Kinakausap niya [Vic] araw-araw.

“Kasi active siya, e. Sipa siya nang sipa.

“Normally, pag umaga, niyayakap ko siya from behind para ang tiyan ko nakadikit sa likod niya.

“Para nararamdaman niya yung sipa,” dagdag na kuwento ni Pauleen.

Hindi lang daw silang mag-asawa ang excited sa kanilang magiging baby.

Pati na rin ang buong pamilya nila ay laging nagmu-monitor din sa kanyang kalagayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okay naman ako, e.

“I feel good,” nakangiti niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN