Mr. Pastillas Richard Parojinog cries justice for family killed in Ozamiz drug raids

IMAGE Instagram

Hustisya ang sigaw ng singer na si Richard Parojinog (kanan) dahil sa pagkamatay ng ilang mga kamag-anak niya sa isinagawang dug raids sa Ozamiz City, Misamis Occidental, Linggo ng madaling-araw, Hulyo 30. Kabilang sa 15 kataong napaslang sa raid ay ang tiyuhin ni Richard na si Mayor Reynaldo Parojinog Sr. (kaliwa).


Humihingi ng katarungan ang singer na si Richard Parojinog kaugnay ng malagim na pagkamatay ng ilang kamag-anak niya sa madugong police raids na isinagawa ng mga awtoridad sa Ozamiz City, madaling-araw ng Linggo, Hulyo 30.

Labinlimang katao ang namatay sa nasabing police raid, kabilang na ang tiyuhin ni Richard na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr.

Nasawi rin ang misis ni Mayor Parojinog na si Susan at mga kapatid na sina Octavio Jr. at Mona.

Inaresto naman ang mga anak ni Mayor Parojinog na sina Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Echavez at Reynaldo "Dodo" Parojinog Jr.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang city councilor na si Ricardo Parojinog, ang ama ni Richard, na kasalukuyan diumanong nagtatago sa batas.

Ang pamilya Parojinog ay iniugnay mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa illegal drug trade.

Nasangkot din ang mag-amang Mayor Parojinog at Vice Mayor Nova sa graft charges.

Ngunit ilang beses nang pinabulaanan noon ng pamilya Parojinog ang mga paratang laban sa kanila.

Kaugnay nito, isang kamag-anak ng mga Parojinog ang nanawagan ng katarungan para sa pagkamatay ng kanyang mga kaanak.

Ito ay ang singer na si Richard Parojinog, unang nakilala bilang "Mr. Pastillas" sa dating segment ng It's Showtime na "Nasaan Ka, Mr. Pastillas."

Ang ama ni Richard na si Board Member Ricardo "Ardot" Parojinog ay kapatid ni Mayor Reynaldo "Aldong" Parojinog.

Mensahe ni Richard sa kanyang Twitter account kahapon: "JUSTICE FOR MY FAMILY."

Sinamahan pa niya ito ng heartbreak emoji.


MIXED REACTIONS. Umani ng magkakahalong reaksiyon ang tweet ni Richard.

Para sa netizens na pabor sa ginawang raid ng mga awtoridad, binatikos nila nang husto ang singer.

Dahil daw sa pagkamatay ni Mayor Parojinog ay nabigyan na rin ng hustisya ang mga naging biktima nito dahil sa illegal drugs at mga buhay na nasira dahil dito.








Ang ibang netziens naman ay nagpaabot ng pakikiramay sa kanilang pamilya. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN