Isabelle Daza irks netizen owing allegedly to her "insensitive" Instagram post

IMAGE @isabelledaza Instagram

Model-actress Isabelle Daza draws flak from netizens calling her "calling card" Instagram post "thoughtless, ignorant, and insensitive." 


Inulan ng batikos si Isabelle Daza mula sa netizens na nagsasabing “thoughtless, ignorant, and insensitive” ang ginawa niyang skit na nagpapakita ng kanyang disgusto sa paraan ng pag-abot ng calling cards ng ibang tao.

Sa video mula sa kanyang Instagram kamakailan, makikitang pinunit at ibinato ni Isabelle ang calling card na inabot sa kanya ng nakababatang kapatid na si Ava Daza.

May caption ito na nagsasabing, “What I want to do when people hand me their calling cards like this”

Hindi ito nagustuhan ng ilang Instagram at Twitter followers ni Isabelle.

Bukod sa "calling card" Instagram post ni Isabelle, nabatikos din ang kanyang video na nagpapakita ng souvenir communist cap na isinuot ng pinsan niyang si Georgina Wilson. 

Kaugnay ito ng naiulat na pambabatikos sa grupo ni Georgina na nagbakasyon sa China noong nakaraang linggo. 


Stories We Are Tracking

Georgina Wilson criticized due to latest travel photos on IG
Georgina Wilson criticized due to latest travel photos on IG

Tila nanadya pa raw si Isabelle sa ipinakita nitong video na nakasuot sa isang estatwa ang naturang souvenir communist cap. 

"UNAPOLOGETIC" ISABELLE? Kaugnay nito, nakasagutan ni Isabelle ang isang netizen na nagngangalang Carl Bautista at may Twitter handle na @POTUSpapi. 

Base sa kanilang palitan ng mensahe, kinuwestiyon ni Isabelle ang pambabatikos ni Carl, gayong tinatangkilik daw nito ang brand ng shades na iniendorso niya at co-owned ng pinsan niyang si Georgina. 

Ngunit taliwas sa akusasyon ng model-actress, umalma ang netizen at nilinaw na ibang brand ng shades ang gamit nito.   

Dismayado rin daw ang netizen dahil sa diumano’y pambabalewala ni Isabelle sa kinasangkutang isyu.

Sa hiwalay na tweet, ipinakita ni Carl ang direct message ni Isabelle sa kanya:

"I realize that you're a fan since you know everything about me and you're probably upset because I'm not the person you want me to be..?

"I think you [are] self righteous and you are probably leading a very sad life because you're an u[n]pleasant person which is why you are constantly online.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So I'm sad for you cause you are lying to yourself."

Narito ang kopya ng comment ng netizen: 

May hiwalay ring tweet ang netizen kalakip ang pagpuna niya sa "inappropriate, culturally insensitive" social media posts ng model-actress.

GLORIA DIAZ DEFENDS DAUGHTER. Hindi na muling sumagot si Isabelle.

Ngunit dinepensahan siya ng kanyang ina at beauty queen-turned-actress na si Gloria Diaz, na nag-iwan ng komento sa Instagram post ni Belle. 

Pagtatanggol ng beteranang aktres sa anak: "Belle there is a saying people throw stones at trees na may mga bunga so dont let bashers get to u!

"you are most generous and kind person i know...

"it seems i am biased but u know me i am cruelly truthful!

Sa ngayon, naka-deactivate na ang comments thread sa Instagram post ni Isabelle. 

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng pahayag si Isabelle sa pamamagitan ng Instagram direct messaging, ngunit hindi pa sumasagot ang actress-model at press time.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN