Rep. Vilma Santos fulfills wish of a dying fan

IMAGE Noel Orsal

Vilma Santos on her relationship with her long-time fans: "Yung pagsasamahan namin, hindi mo masabing sa showbusiness lang. Ngayong ako'y nasa public service, kasama ko pa rin sila. Kung naglilingkod ako, naglilingkod din sila."


Kahit hindi na aktibo sa showbiz si Batangas Representative Vilma Santos, hindi pa rin nawawala ang pagpapahalaga niya sa grupong Vilma Santos Solid International (VSSI) na binubuo ng long-time avid fans niya.

Ayon sa presidente ng grupo na si Jojo Lim, nag-donate si Vilma ng paunang pondo para matupad ang layunin nilang mabigyan ng financial assistance ang mga miyembrong nagkakasakit o nangangailangan.

Ikinatutuwa raw ni Vilma na sa leadership ni Jojo Lim, nagiging tulay ang VSSI upang makatulong ito sa kapwa miyembro ng kanilang grupo.

Isa sa tinulungan ng grupo kamakailan ay ang masugid na tagahanga ng congresswoman na si Evangeline Muñoz na taga-Pampanga.

May Down Syndrome si Evangeline at matagal na itong nakaratay.

Nanawagan ang kapatid nito sa Facebook, kung saan hiniling niya na bago pa man pumanaw, sana ay makita ni Evangeline ang kanyang idolo.

Nang makarating ito sa VSSI, nagsagawa ang grupo ng birthday party para kay Evangeline.

Bilang sorpresa sa nakaratay niyang fan, dumalo sa naturang party si Vilma.

Na-feature ito sa Kapuso Mo, Jessica Soho noong nakaraang Linggo, July 30.

Ipinahayag ni Vilma ang kasiyahang naramdaman nang mabigyan ng pagkakataong mapaligaya ang kanyang fan.

Saad ng 63-year-old actress-politician, “Hindi ko maipaliwanag… napakasarap ng pakiramdam.

“Iyon ang nagsisilbing inspirasyon sa akin to do better talaga.

“Wala kang choice but to make them happy and to do better for them.”

GIVING BACK. Pahayag pa ng Star for All Seasons, “Yun naman kasi ay suporta ko na rin.

“Alam natin na sa tinagal-tagal ko na sa industriya, napakaliit na bagay yun.

“Marami na ring mga Vilmanians nagkakasakit… mga Vilmanians na tumanda na nagmamahal pa rin sa ‘yo.

“Yung iba nga binawian na ng buhay.

"So, a little token na kahit papano makatulong sa kanila.”

May Vilmanians nga raw from abroad na nagpapadala ng mga libro para sa kanyang constituents.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagpadala pa nun ng mga computers na puwedeng ibigay sa mga
nangangailangan.

“Kahit sabihin mong second-hand, pero nakakatulong pa rin nang malaki yun."

Natutuwa rin ang batikang aktres kung paano naging higit pa sa showbiz ang relasyon niya sa kanyang mga tagahanga.

Ayon kay Vilma, “Yung pagsasamahan namin, hindi mo masabing sa showbusiness lang.

“Kasi ngayong ako’y nasa public service, kasama ko pa rin sila.

“Kung naglilingkod ako, naglilingkod din sila at may mga proyekto ako na nakakasama ko sila.”

Dagdag pa niya, “Meron silang communication palagi, may coordination.

“Kasi nakikita lang natin sila sa mga showbiz events na nandun ako.

“Pero kahit sa pagiging mayor ko, kasama ko na sila.

"Yung governor ako, kasama ko pa rin sila.

“Walang mga cameras yun, ha?

“Ngayong congresswoman na ako, kasama ko pa rin sila sa mga serbisyo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN