Veteran talent manager Alfie Lorenzo dead at 78

IMAGE Noel Orsal

Pumanaw na ang veteran talent manager and entertainment columnist na si Alfie Lorenzo nitong Martes ng madaling-araw, August 1.


Sumakabilang-buhay na ang veteran talent manager at entertainment columnist na si Alfie Lorenzo. Siya ay 78 years old.

Ayon sa impormasyong nakalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nasa Solaire Resort & Casino sa Pasay City si Alfie nang atakihin ito sa puso nitong madaling-araw ng Martes, August 1.

Dinala siya kaagad sa kalapit na San Juan De Dios Hospital, ngunit hindi na ito nagawang i-revive.

Ang dating alaga at itinuturing na anak-anakan ni Alfie na si Judy Ann Santos ang nag-aasikaso ngayon ng burol ng talent manager.

Ito ay sa kabila ng naging tampuhan nila dahil sa pag-alis ng aktres sa poder ng talent manager matapos ng 28 taon.

Pormal na nagpaalam si Judy Ann kay Alfie noong Agosto 2016, ngunit bali-balitang hindi na maayos ang kanilang relasyon bilang talent at manedyer maraming taon na rin ang nakalilipas.

Ang ilan pa sa mga artistang naging talents ni Alfie ay sina Ruffa Gutierrez, Sunshine Cruz, Karla Estrada, Jackie Forster, Edgar Mande, Lito Pimentel, Rey 'PJ' Abellana, at Jeffrey Santos.

Bilang isang entertainment columnist, nakilala si Alfie bilang bahagi ng Troika ng tabloid na Abante; kasama niya ang mga yumao na ring sina Oskee Salazar at Billy Balbastro.

Naging kontrobersiyal ang buhay ng kinilala sa showbiz na "Tito Alfie," dahil sa pakikipag-away nito sa mga artista, network executives, producers, at kahit kapwa talent manager.

Ibuburol ang mga labi ni Alfie sa Porac, Pampanga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN