Joseph Marco on Ahron Villena's viral nude photo: "Sana maayos niya 'to."

IMAGE Noel Orsal

Joseph Marcoon taking nude selfies: "Dati siguro, pero hanggang abs lang, hindi naman hanggang baba. Siguro more on shorts. Usually after gym, yung pumped na pumped ka."


Ikinagulat ni Joseph Marco ang aksidenteng pagpu-post ng dating kasamahan sa Pasion de Amor na si Ahron Villena ng hubad nitong larawan sa IG stories.

Ayon sa Kapamilya actor, “Well, I know Ahron, mabait na tao si Ahron.

“You know, somehow, I feel bad for him, kasi ang pagiging artista rin naman ang pinagkukuhanan din niya ng income.

“You know, sana maayos niya ‘to.

"Kung ano man yung pagkakamali niya, sana maging leasson learned na ito sa kanya.

“Dapat talaga maingat lalo ngayon, nowadays, sobrang powerful ng social media.

“Kung ano man yung reasons niya, sana maayos niya.”

Noong Biyernes, July 28, nag-post si Ahron sa Instagram stories ng hubad niyang larawan. Ngunit kaagad niya itong binura pagkatapos ng ilang minuto.

Noong Sabado, July 29, inamin ng aktor na larawan nga niya ang kanyang na-upload. Ngunit dala lang daw ito ng sobrang pagod at puyat sa trabaho.


Stories We Are Tracking

Ahron apologizes for mistakenly uploading nude pic
Ahron apologizes for mistakenly uploading nude pic
Ahron Villena posts his nude photo on Instagram
Ahron Villena posts his nude photo on Instagram

Si Joseph ba ay may mga kuha sa kanyang sarili na nakahubad din?

Sagot ng Wildflower actor, “A, hindi. Takot ako, e. Kasi nga, e, baka bigla lumabas.

“Baka hindi mo alam may nagta-tap ng phone mo. So, I don’t wanna make any mistakes.”

Kinukuhanan daw niya ang sarili, pero hindi naman siya nakahubad.

Sabi ni Joseph, “Dati siguro, pero hanggang abs lang, hindi naman hanggang baba.

“Siguro more on shorts. Usually after gym, yung pumped na pumped ka."

Dagdag niya, “Kung ano may yung reasons niya, sana maayos niya.

"Kasi ako, kung may kalokohan ako, sa akin na lang yun.

"I’m not gonna like pakita or ilabas in public."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joseph sa grand presscon ng pelikulang Triptiko, na ginanap sa Romulo’s Café sa Quezon City ngayong Martes, August 1.

Ang Triptiko ay tumatalakay sa kuwento ng buhay ng tatlong indibidwal, kabilang na si Joseph para sa "Hinog"episode.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang dalawa pa ay sina Albie Casiño para sa "Swerte" episode, at sina Kean Cipriano at Kylie Padilla para sa "Musikerong John" episode.


Ang pelikulang ito na gawa ng Michelena Brothers Production at Barrio’s Pictures ay kasali sa kauna-unahang Pista ng Pelikulang Pilipino, na gaganapin mula August 16 hanggang 22.

"HINOG" EPISODE. Sa "Hinog" episode, gagampanan ni Joseph ang papel ni Jake na isang commercial model.

Paglalarawan niya tungkol sa kanyang karakter, “Nagmo-model siya. Dun siya kumukuha ng income niya.

"Tapos dadating sa point na magkakaroon siya ng pigsa.

“Lahat na ginawa niya at pumunta na siya ng derma tapos sa albularyo.”

May halong komedya ang episode ni Joseph at hindi rin daw mawawala ang pagpapa-sexy niya rito.

Hanga rin si Joseph sa kanilang director na si Miguel Franco Michelena.

Kahit baguhan, alam daw nito ang kanyang ginagawa.

Sabi pa ng Kapamilya actor, “Alam mo, ang kagandahan sa mga baguhan, they trust your instincts. They are open for collaboration.

"And, nakakatuwa, he’s very passionate towards directing. Nakita ko yung passion niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN