What did Annabelle Rama tell son Richard Gutierrez before his proposal to Sarah Lahbati?

IMAGE Nikko Tuazon

Annabelle Rama on future daughter-in-law Sarah Lahbati: "Hindi lumalabas sa gabi. Pag nagte-taping si Richard at maski umaga na umuwi, wala siyang reklamo. Di tulad ng ibang babae, pag busy yung lalaki nagka-clubbing. Ito, wala."


Si Annabelle Rama raw ang unang nakaalam tungkol sa engagement ng anak na si Richard Gutierrez sa long-time girlfriend nitong si Sarah Lahbati.

Pormal na inanunsiyo nina Richard at Sarah ang kanilang engagement sa viewing party ng pilot episode ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez Season 5, sa Ibiza Beach Club, Bonifacio Global City, Taguig, Lunes ng gabi, July 31.

Base sa Instagram posts ni Sarah noong March 20, naganap ang proposal ni Richard nang bumisita sila sa Zermatt, Switzerland.


Stories We Are Tracking

Sarah Lahbati's diamond engagement ring is massive!
Sarah Lahbati's diamond engagement ring is massive!

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press kay Annabelle, sinabi nitong ikinagulat niya nang sabihin sa kanya ng anak na plano na nitong pakasalan si Sarah.

Pahayag niya, "Siyempre, I was so shocked.

“E, wala naman ako magawa, kasi desisyon ni Richard yun, di ba?"

Sa kanya raw unang lumapit si Richard upang ipaalam ang balak na pagpapakasal.

Kuwento ng talent manager, "Ako lang muna, nalaman lang ni Eddie [Gutierrez, her husband] sa Geneva na.

"Ako kinausap ni Richard...

“In-advise-an ko, 'Tama ba desisyon mo?'

"[Sagot niya], 'Ma, engaged pa naman, e.'

“Sabi ko, 'Okay.' Yun lang.”

"Sabi ko, pag-isipan mabuti kasi hindi naman 'yan biro.

"Forever 'yan, for life na 'yan, e."

Ano ang sagot ng anak sa payo niya?

“Sabi niya, 'Yes...'"

Dagdag pa ni Annabelle, "I'm so happy kasi nakikita ko naman si Sarah, talagang loyal kay Richard.

"Hindi lumalabas sa gabi. Pag nagte-taping si Richard at maski umaga na umuwi, wala siyang reklamo.

"Di tulad ng ibang babae, pag busy yung lalaki, nagka-clubbing. Ito [si Sarah], wala."

Ikinatutuwa rin daw ni Annabelle sa tuwing makikita niyang magkasama sina Richard at Sarah, at ang anak nilang si Zion.

"Tatlo sila palaging magkakasama ni Zion kaya natutuwa naman ako."

RUFFA'S REACTION. Samantala, isa naman ang ate ni Richard na si Ruffa Gutierrez sa mga nahuling nakaalam tungkol sa sikretong engagement ng kapatid at ni Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kwento ng TV host-actress, "I only found out recently, siguro mga one month ago.

"And lahat kami nagsisisigaw, lahat kami umiyak because it was unexpected.

"We already know that they're together, pero hindi ko talaga akalain na nag-propose na pala si Chard sa Switzerland.

"And apparently, it was a little secret that they had with my mom and dad.

"Only my mom and dad knew about it, so I think this is the best thing."

Excited na raw si Ruffa na tulungan ang kanyang magiging sister-in-law sa paghahanda para sa isang pormal na engagement party bago ito ikasal.

"She said yes, party na hindi magulo, na very intimate, you know, with flowers and like...

"So, I'm here to help as a big sister."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN