Joseph Marco reveals status of Maja Salvador's love life

IMAGE Noel Orsal

Naudlot ang balak ni Joseph Marco na ligawan si Maja Salvador dahil meron daw itong idini-date na ibang lalaki. Hindi naman pinangalanan ng aktor ang manliligaw ng kapareha bilang respeto rito. 


Sa edad na 28, nananatiling single ang Kapamilya actor na si Joseph Marco.

Nabalita noong pinupormahan niya si Alex Gonzaga, pero hindi ito natuloy.

Bakit nga ba naudlot ang panliligaw niya kay Alex?

Ayon kay Joseph, “Trinay ko naman, pero wala talaga. Pero wala, e, wala talaga.

"And I’m happy for her kasi nga nakita naman nating happy siya."

Ang tinutukoy ng aktor ay ang relasyon ni Alex sa boyfriend nitong si Mikee Morada.

MAJA SALVADOR. May mga lumabas ding balita na balak daw ligawan ni Joseph ang co-star niya sa ABS-CBN drama series a Wildflower, si Maja Salvador, pero naudlot din ito.

“Meron kasing ano, e... Alam niyo naman, di ba, yung about Maja? Di niyo ba alam?" balik-tanong niya.

Dugtong ni Joseph, “Meron yatang ano, di ba... hindi, hindi boyfriend...

“Ayokong manggaling sa akin. Pero respeto na lang sa guy na nagpaparamdam sa kanya.

“Di ba, alam niyo naman yun?”

Hindi pinangalanan ni Joseph kung sino ang bagong manliligaw ni Maja dahil hindi rin daw niya ito kilala.

Dahil ba rito kaya nag-give up siya sa kanya sanang balak na panliligaw?

Sagot niya, “Wala namang giving up na nangyari kasi, right now, we’re still trying to build our friendship.

"Kasi first teleserye namin ‘to, di ba?

“So, we’re still getting to know and, yun nga, ang mga eksena pa naman namin, kalat, hindi yung magkasama lagi kaming dalawa.

"So, wala rin kaming chance na makapag-usap nang matagal talaga kasi nga kalat talaga, e."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joseph sa grand presscon ng pelikulang Triptiko, na ginanap sa Romulo’s Café, sa Quezon City, ngayong Martes, August 1.

Kasali ang Triptiko sa Pista ng Pelikulang Pilipino, na gaganapin mula August 16 hanggang 22.

FOCUS ON WORK. Ang gusto lang daw muna ni Joseph ngayon ay magtrabaho upang makaipon para sa kinabukasan at sa babaeng nakalaan para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng Wildflower actor, “Alam mo, especially sa age ko ngayon, napakaimportante ng trabaho.

“Kung may ganun man, hindi ko na iku-complicate yung things.

"Hindi siya yung number one sa isip ko na, ‘Gusto ko nang magka-girlfriend.’ Hindi ko na inisip.

“You know, girls, andiyan lang naman sila, e. If the right time comes, andiyan siya.

"At least well-equipped ka, nakapag-ipon ka, may mga negosyo ka."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN