Are Barbie Forteza and Jak Roberto in a relationship?

IMAGE FILE / Instagram @barbaraforteza

Barbie Forteza's own Instagram and Twitter posts hints at her relationship status with rumored boyfriend and former Meant To Be leading man, Jak Roberto.


Hindi na maikakaila ang pagkakamabutihan sa pagitan ng dating Meant To Be co-stars na sina Barbie Forteza, 20, at Jak Roberto, 23.

Kaugnay ito ng pag-amin ni Barbie na lubos ang kasiyahang naramdaman niya dahil sa romantic gestures na ginawa ni Jak.

Sa kanyang 20th birthday noong July 31, ibinahagi ng Kapuso actress ang larawan ng kamay niyang may ka-holding hands na mystery guy.  

Sabi ni Barbie sa caption ng kanyang post, “Mas happy pa sa happy 20th!”


Kalakip nito ang isa pang larawan ni Barbie kung saan napapikit siya sa sobrang tuwa at kilig. 


Hindi pinangalanan ng Kapuso actress kung sino ang mystery guy na ka-holding hands niya at nakasama sa isang coffee date.

Ngunit mismong si Jak ay mayroong kuha ni Barbie sa parehong lokasyon, base sa Instagram story ng binata noong araw ring iyon.

Matatandaang binansagan si Jak na "Team Pandesal" ng fans na boto sa tambalan nila ni Barbie sa defunct Kapuso primetime series na Meant To Be.


Maging ang kaibigan ni Barbie na si Julie Anne San Jose ay hindi napigilang magkomento sa pinaniniwalaang holding hands photo ng rumored couple.


JAK'S SWEET GESTURE. Nang sumunod na araw, August 1, hindi na naitago ni Barbie ang panunuyo ni Jak nang ibahagi niya ang larawan ng red roses na bigay ng binata.

Ayon pa kay Barbie, kasabwat ng Kapuso actor ang kanyang ina, isang non-showbiz friend, at Sunday PinaSaya co-host na si Marian Rivera, na siyang pinagbilhan ni Jak ng bulaklak.

Pahayag ni Barbie, “Wala akong masabe. Grabe lang [shocked emoji] Matagal ko ng gusto to!

“Effort [100 points emoji] sing-pula nito ang mga mata ko ngayon [crying and lovestruck emojis] Maraming salamat. [heart emoji]

“p.s. ang mga kasabwat : @amithatbad , Mama , at Ate @marianrivera thank you po sa inyo!”

JOSE MANALO TEASES BARBIE: "MAY SYOTA NA!" Unang nabuking ang pinaniniwalaang relasyon nina Barbie at Jak sa mismong 20th birthday celebration ng dalaga sa Sunday PinaSaya noong Linggo, July 30.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito ay nanguna sina Marian Rivera, Jose Manalo, Alden Richards, at Ai-Ai delas Alas sa panunukso kay Barbie at kay Jak, na nag-guest sa naturang Kapuso Sunday noontime show.  

Sabi ni Marian kay Barbie, “Sa lahat ng achievement mo, alam namin na may inspirasyon ka talaga!”

Pambubuking naman ni Jose, “May syota na!”

Humirit din si Alden na ihayag ni Barbie ang kanyang personal birthday wish.

Ito ang makahulugang pahiwatig ni Barbie tungkol sa estado ng kanyang love life, “Sana ano, tumagal! Ay, tumagal! Hahaha!”

Hirit ulit ni Jose, “Sabi mo magtagal. Naku, mahihirapan ka, marami ka atang karibal dun.”

Paglilinaw naman ni Marian, saksi siya sa magandang intensiyon ng pinaniniwalaang karelasyon ni Barbie.

Ani Marian, “Ay, hindi! Ako ang isa sa nagpapatunay. Kausap ko, e… May pinapasabi siya kanina.”

Sa puntong ito, may ibinulong si Marian kay Barbie na ikinakilig nang husto ng huli.

Napatili pa si Barbie at saka tumingin sa gilid ng stage ng SPS, “Totoo ba iyon?”

Dahil sa panunukso ng kanyang co-hosts, tuluyan nang nabuking si Barbie nang ipakita sa camera si Jak na nakapuwesto sa gilid ng stage.

Ani Barbie, “Ay, may pag-pan! Naku, patay!”


JAK AND BARBIE ON STAGE. Sa sumunod na segment ng SPS na “Kantaririt,” nakasama ni Barbie ang Meant To Be leading men niyang sina Ken Chan, Addy Raj, at Jak.

Dito ay mapapanood na pinagtabi sina Barbie at Jak, na patuloy pa ring tinutukso nina Marian at Jose.

Sa parte ni Jak, panay lang ang ngiti nito.

Hirit pa ni Marian, “Bakit nagtu-twinkle yung mata niyong dalawa? May something!”


Noong araw ring iyon ay nagpalitan ng Twitter messages sina Jak at Barbie:


Stories We Are Tracking

Is Barbie Forteza being courted by Jak Roberto?
Is Barbie Forteza being courted by Jak Roberto?
Why is Jak Roberto hesitant to court Barbie Forteza?
Why is Jak Roberto hesitant to court Barbie Forteza?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN