Ryza Cenon says boyfriend Pocholo Barretto knows about her suicidal tendencies

IMAGE Noel Orsal

Ryza Cenon says she grew up afraid of making a mistake and being chastised by her conservative lola.


Marami ang nagulat sa pagsisiwalat ni Ryza Cenon na may panahong inaatake siya ng depresyon, na umabot pa sa pananakit sa kanyang sarili at tangkang pagkakamatay.

Ito ay sa kabila ng pagiging winner niya sa Season 2 ng reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck at nakagawa na rin naman siya kahit papaano ng sarili niyang pangalan sa industriya.

Ipinaliwanag ng Kapuso actress na bitbit pa rin niya ang insecurities na nag-ugat noong bata pa siya.

Lahad ni Ryza, “Before pa po, noong bata pa ako, takot po talaga ako sa lola ko.

“Laki po ako sa lola ko, sobrang conservative. 

“Takot ako na baka may sabihin ang lola ko, magalit siya.”

Pero unti-unti na raw lumalakas ang kanyang loob at kumpiyansa sa sarili ngayong namumuhay na siyang mag-isa.

“Marami pa, e,” pag-amin niya. “Marami pa akong gustong patunayan sa sarili ko, marami pa akong dapat matutunan. 

“Hindi ibig sabihin na kunwari naging successful na ako, okey na ako, magaling na ako, hindi po. 

“Every day po, dapat meron akong matutunan.”

Tulad nga raw ng realizations niya matapos pagdaanan ang suicide attempt.

Sabi ni Ryza, “Good thing po na nangyari yun sa akin, at least meron akong na-discover na talent pa. 

“That time ko lang na-discover nung 2015 na marunong pala akong mag-paint.”

Higit pa roon, kaya raw hindi matuluy-tuloy na saktan ni Ryza ang sarili, “May takot din po pala ako sa Diyos.

“Alam ko po na mali yun, alam ko po na hindi Siya matutuwa kapag ginawa ko yun.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryza sa presscon ng pelikula niyang Ang Manananggal sa Unit 23B, na ginanap Martes ng gabi, August 1.

NOT ALONE. Tanong ng PEP kay Ryza: Alam ba ng boyfriend niyang si Pocholo Baretto ang pagiging suicidal niya noon?

“Oo naman, open naman po ako,” tugon agad ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang sinasabi lang niya, huwag ko nang ulitin yun, ‘Kung may problema ka, kausapin mo ako, nandito lang ako.

“‘Tutulungan kita, hindi ka nag-iisa. Marami kaming nagmamahal sa iyo.’”

Paano kaya kung magkahiwalay sila ni Pocholo? Babalik ba siya sa pananakit niya sa sarili, susubuking mag-suicide ulit?

Nakangiting sagot si Ryza, “Kakayanin ko naman kasi matagal rin po akong naging single. 

“So, kaya ko naman po.”

Yun din daw ang payo niya sa mga kaibigan na heartbroken.

“Sobrang lugmok na lugmok sila, sinasabi ko lagi po sa kanila na, 'Lalaki lang 'yan, maraming lalaki diyan.'

“For me, kapag sinasabi nila na nag-suicide attempt dahil sa love life, hindi ko po gagawin yun.

“Ako kasi, tungkol sa family, yun ang dahilan.

“Pero about love life, useless, hindi worth it na ibigay yung buhay sa isang tao.”

Dagdag pa niya, “Siyempre babae ako, kailangan ko ring alagaan ang sarili ko.

“So, kailangan kong maging wise sa lahat ng mga decisions ko.”

I only have one hand to do whatever when I'm around her. It's better than having both without her beside me!

A post shared by Mr. Pocholo Barretto (@pocholobarretto) on

DEEPLY IN LOVE. Ibinahagi rin ni Ryza na malalim ang pagmamahalan nila ni Pocholo.

“Yes po, sobra.”

Kuwento pa niya, “Kung nagtatalo kami, yung talong pa-joke pa.

“Sobrang swak po yung personality namin pareho.

“Ma-party siyang tao, lagi siyang nasa labas. Ako, hindi.

“So, kabaliktaran po, parang nagku-contrast po kami.”

May balita ngang nagli-live-in na raw sila.

“Hindi po,” nakangiting pagtanggi ni Ryza, “hindi pa naman kami ganun katagal, e. 

“Buwan pa lang po kami, mga ten months pa lang.

“Paano magli-live-in agad, e hindi niyo pa naman kilala ang isa’t isa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN