Judy Ann Santos recalls manager Alfie Lorenzo's "hard love" for her during eulogy

IMAGE Noel Orsal / Judy Ann Santos Instagram

Judy Ann Santos on late talent manager Alfie Lorenzo: "Kapag ipinaglaban ka niya, ipaglalaban ka niya. Kapag isinumpa ka naman niya, isinumpa ka naman talaga niya. Naunahan mo pa si Lord sa langit."


Hindi napigilan ni Judy Ann Santos ang maging emosyunal sa eulogy niya para sa kanyang manager at tatay-tatayan na si Alfie Lorenzo, habang hinihintay na matapos ang cremation sa Arlington Memorial Chapels sa bangkay ng veteran entertainment writer, Miyerkules ng gabi, August 2.

Sumakabilang-buhay si Alfie noong August 1 dahil sa heart attack. Siya ay 78 years old.


Stories We Are Tracking

Veteran talent manager Alfie Lorenzo dead at 78
Veteran talent manager Alfie Lorenzo dead at 78

Sa kanyang eulogy, pinasalamatan ni Judy Ann ang lahat ng mga nakiramay.

“From all of us, lahat dito sa side na Alfie na naging kapamilya niya, thank you so much for joining us.

“Nagpapasalamat po ako sa time na ibinigay ninyo.

“Alam ko na some of you, may nakasamaan ng loob si Tito Alfie, one way or another, but then again, alam niyo naman ‘yan, talagang karamihan sa atin, love-hate relationship tayo sa kanya.

“Pero malaki naman ang puso ni Tito Alfie, alam naman nating lahat ‘yan.

“Thank you sa lahat, wala naman akong ibang sasabihin.

“Nasabi ko na sa kanya, nagpasalamat ako sa kanya, nag-sorry ako sa kanya.”

HARD LOVE. Pagkatapos nito ay ibinahagi ng aktres ang mga karanasan niya sa loob ng 28 taon kapiling ang feisty talent manager.  

Lahad ni Judy Ann, “Malaking parte si Tito Alfie ng karera namin ni Kuya Jeff [Jeffrey Santos], kasi talagang kapag ipinaglaban ka niya, ipaglalaban ka niya.

“Kapag isinumpa ka naman niya, isinumpa ka naman talaga niya. Naunahan mo pa si Lord sa langit.

“Tanggap naman namin ‘yan na magkapatid.

“Kung meron man kaming mga memories sa kanya, hindi lang kasi siya isa...

“Tama si Lito [Pimentel], kulang yung gabi, kulang yung oras na kini-cremate siya para makuwento namin kung ano yung mga katarantaduhan naming ginawa kay Tito Alfie para lang makaganti kami, kasi masungit talaga siya!” tawa niya.

“Masungit siya, saka minsan, matakaw siya sa time.

“Pero ano siya, hard love yung ibinibigay niya sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kapag ipinakita naman niya yung concern niya at yung affection niya, ipaglalaban ka naman niya hanggang kabilang-buhay.

“Nauna lang siya sa kabilang buhay, pero hindi naman ako nagmamadali,” biro pa ng 38-year-old actress.

Patuloy ni Judy Ann, “I remember may times... si Tito Alfie kasi, kapag sinusuway siya, walang patumanggang papahiyain ka talaga niya.

“So, may time na kaming magkakapatid, may pinanggalingan kami noon, tapos pinapunta niya kami sa Casa Marcos.

“Bago kami pumasok sa Casa Marcos, naghawak-hawak kami ng kamay na magkakapatid, tapos kumanta kami ng ‘Ama Namin.’

“Kasi takot na takot kami kung ano ang sasabihin niya sa harap nina Direk Elwood Perez, Mother Lily [Monteverde].”

BE PROFESSIONAL. Ayon pa sa Kapamilya star, “Si Tito Alfie, ipu-push ka niya talaga.

“Siya yung magsasabi kung anong dapat mong gawin.

“Siya yung nagsabi na magtrabaho ka nang magtrabaho, kasi kapag tumanda ka na, nag-asawa ka na, mababawasan na yung trabaho mo, kasi may iba nang papalit sa ‘yo.

“Kaya ang trabaho ko po noon, talagang 24/7.

“Na kapag nako-confine ako, susunduin niya ako sa ospital, kasi kailangan ko na mag-taping.

“Kasi kailangan daw, professional ako.

“So, natanim niya po yun sa akin, na hanggang ngayon, kahit magkakasakit ako o may sakit ako, kapag kailangan ako sa isang lugar para magtrabaho, kailangan ko siyang gawin.

“Kasi yun ang nakasanayan ko. Yun ang nakalakihan ko.”

LOVE TEAM. Binanggit din ni Judy Ann na lahat ng mga ka-love team niya ay “naka-love team” muna ni Alfie.

“Kung meron pa kayong hindi nalalaman tungkol kay Tito Alfie, bago pa po ako magka-love team, nauuna siya na makapareha ng ka-love team ko.

“Ibig pong sabihin nun, bago siya pumayag na maka-love team ko si Wowie [de Guzman], si Piolo [Pascual], si Rico [Yan], kailangan makita niya in person, matimpla niya kung mabait ba, kung aalagaan ba ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung hanggang saan ba puwedeng makarating yung love team namin.

“Kapag nakuha na yung lambing kay Tito Alfie, puwede na kaming magka-love team.

“Kaya po siguro, sa history ng mga team-up ng love team before, isa yata ako sa mga naging talent before na apat yata, anim ang naging ka-love team ko.

“Ang sabi nga niya, ‘Bininyagan kita na may Midas Touch.’

“Yung tandem nga namin, siya yung magsasalita, ako yung gagawa. May ganoon pa kami.”

JUDAY AS RECORDING ARTIST. Si Alfie rin daw ang dahilan kung bakit naging recording artist si Judy Ann.

Kuwento ng aktres, “Si Tito Alfie din ang nag-push sa akin na magka-album.

“Hindi ko alam kung bakit ako sumunod.

“Nakadalawa pa ako, pero siya lang yung naniwala na puwede akong magkaroon ng album.

“Akala ko dati, photo album lang yung kailangan kong gawin.

“Sabi ko, ‘Meron na ako Tito A, madami, inanay lang.’

“Sabi niya, ‘Hindi. Pumunta ka kay Boss Vic [del Rosario, Viva big boss]. Ipinapatawag ka niya sa office, may gagawin kang album.’

“Sabi niya, ‘Basta gawin mo lang. Maniwala ka sa akin, gawin mo lang.’”

Dagdag ni Judy Ann, na aminadong hindi magaling kumanta, “Sa hindi ko po malaman na dahilan, naging platinum yung album ko!

“Hanggang ngayon, nag-iisip ako paano nangyari yun.

“Meron siyang nakikita na hindi ko nakikita.

“Meron siyang pinaniniwalaan na hindi ko naiintindihan.

“Meron siyang disiplina na ayokong gawin. Meron siyang something.

“Alam niya ‘yan, kapag may nakita siya na talent, alam niya na may posibilidad na sisikat yung taong ‘yon.”

Sabi pa ni Judy Ann sa huli, “Si Tito Alfie, I’m sure, masaya siya kasi naibigay natin yung gusto niya.

“Na-cremate siya, nandito po kayong lahat.

“Masaya siya na meron siyang live TV coverage kanina habang nagma-mass.

“Alam ko kasi na yun ang gusto niya, na lahat ng atensiyon ng tao, kapag dumarating siya, dapat ramdam mo siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun ang sinubukan namin na gawin, ang maramdaman siya, so thank you.”

Dadalhin ang mga abo ni Alfie Lorenzo sa Pampanga ngayong Huwebes, August 3.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN