Alden Richards denies claim that he has a love child

IMAGE Noel Orsal

Pambansang Bae Alden Richards denies claim of a netizen that he is a father already. 


Mariing itinanggi ni Alden Richards ang akusasyon ng isang netizen na mayroon daw anak sa pagkabinata ang tinaguriang Pambansang Bae.

Sa ulat ng "Chika Minute" ng 24 Oras nitong Miyerkules, August 2, hiningan ng reaksion si Alden hinggil sa post ng isang netizen kunsaan inakusahan siyang isa nang binatang ama.

Direktang sagot ng Kapuso star sa isyu, “Clear of my conscience, wala po akong anak.”

Kaugnay nito, nag-tweet din ang ama ni Alden na si Richard Faulkerson Sr.—o mas kilala sa tawag na Daddy Bae—dahil sa paratang na anak umano ng aktor ang nakababatang kapatid nitong si Angel.

Tweet ni Daddy Bae: “Kailangan ko na po magsalita…pa DNA niyo ako at si Angel. Salamat po.”

Hindi naman ikinatuwa ng supporters ni Alden ang akusasyon ng netizen.

Hinimok din nila ang ama ni Alden na sampahan ng demanda ang mga naninirang netizen upang maturuan daw ng leksiyon.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN