KC Concepcion responds to netizen who said mom Sharon Cuneta is "so much prettier" than her

IMAGE Instagram (@itskcconcepcion)

In an Instagram post, a netizen compared Sharon Cuneta and daughter KC Concepcion. She said that Megastar is "so much prettier" than KC. Read on to find out KC's response. 


Sinagot ni KC Concepcion ang isang netizen na nagkumpara sa kanila ng kanyang ina na si Sharon Cuneta.

Ito ay matapos mag-post si KC ng larawan nilang mag-ina sa kanyang Instagram account nitong weekend.

Kuha ang larawan sa grand finals ng The Voice Teens, kung saan coach si Sharon, noong Linggo, July 30.

Bukod kay KC, dumalo rin ang mga kapatid na sina Frankie, Miel, at Miguel; pati na rin ang stepfather niyang si Senator Kiko Pangilinan para magbigay ng moral support sa Megastar.

Isang fan ni Sharon ang nagkomento sa post na ito ni KC.

Humingi muna ng paumanin si @sun_craille dahil alam daw niyang hindi dapat ikumpara ang mag-ina.

Pero aniya, “know that we should not compare but Mum is so much prettier!” 


Hindi naman ito minasama ni KC, bagkus ay pinasalamatan pa niya ang netizen.

Tinawag pa niyang “sweet compliment” ang ginawang comparison ng netizen.

“Complimenting her is flattering for me since we are family,” sabi ni KC.


 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN