Zsa Zsa Padilla remembers Comedy King Dolphy on his 89th birthday

Zsa Zsa Padilla posted a photo of Dolphy on Instagram, saying, "You had the most contagious smile. You brought so much laughter to my life. Thanks for the memories. Happy 89th."


Ginunita ni Zsa Zsa Padilla noong July 25 ang sana’y ika-89 kaarawan ng namayapang King of Comedy na si Dolphy.

Ayon sa Divine Diva, simple lang ang naging paggunita niya sa kaarawan ng dating partner.

“Naglagay lang ako ng flowers, yun lang.

“Simple lang, I specifically told them that I will leave today, kasi birthday niya kahapon.

“It’s been five years, kade-death anniversary niya pa lang.

“Ang bilis ng panahon.”

Nag-post din si Zsa Zsa ng isang mensahe sa kanyang Instagram account para kay Dolphy.

Kalakip ng nakangiting larawan nito ay ang mensaheng: “You had the most contagious smile. You brought so much laughter to my life. Thanks for the memories. Happy 89th.”

You had the most contagious smile. You brought so much laughter to my life. Thanks for the memories. Happy 89th.

A post shared by Zsa Zsa Padilla (@zsazsapadilla) on

Maging ang mga tagahanga ng Comedy King ay nagpaabot din ng kanilang pagbati sa social media.

Sabi ni Zsa Zsa, “Tina-tag nila ako.

"Siyempre nakaka-miss talaga, nakaka-miss din.

“Lalo na pinili kong shot ang ganda ng ngiti niya, di ba?

“Nakaka-miss talaga.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zsa Zsa sa departure ng ASAP cast patungong Toronto, Canada, noong July 26.

WEDDING PLANS. Samantala, kung dati ay open si Zsa Zsa tungkol sa relasyon nila ni Conrad Onglao, kapansin-pansing mula nang magkabalikan sila ay naging pribado na ang dalawa.

Matatandaang naging masalimuot at kontrobersiyal ang relasyon ng singer at ng renowned architect nang magdesisyong makipaghiwalay noon si Zsa Zsa sa kabila ng plano na sana nilang pagpapakasal.

Kumusta na silang dalawa ngayon?

“Well, knock on wood, okay naman,” matipid na sagot ni Zsa Zsa.

Kailan na ba talaga ang kanilang kasal?

“Kasal? Wala pa, e.

“Malalaman naman nila,” aniya.

Anong klaseng kasalan ba ang aasahan ng mga sumusubaybay sa kanila?

“Talagang gusto ko, sobrang simple lang.

“Wala, e... di ba, gusto ko nga, tanan?

“Di nga matuluy-tuloy yung tanan, e!” natawang sabi ng singer-actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN