Jennylyn Mercado, Dennis Trillo bond with Patrick Garcia, wife Nikka Garcia for 'family picture'

IMAGE @nikkamgarcia on Instagram

Ikinatuwa ng maraming tagahanga nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang larawan nila kasama ang pamilya ni Patrick Garcia. May mga nagsasabing na-inspire sila sa magandang pakikitungo sa isa't isa ng dating magkasintahang sina Jennylyn at Patrick.


Umani ng papuri at inspirasyon mula sa netizens ang “family picture” ng ex-lovers na sina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia.

Kasama nila sa larawan ang boyfriend ngayon ni Jennylyn na si Dennis Trillo, at ang misis ni Patrick na si Nikka Garciia.

Nasa larawan din ang anak nina Jennylyn at Patrick na si Alex Jazz, at ang mga anak nina Patrick at Nikka na sina Michelle at Patrice.

Si Nikka ang nagbahagi ng larawan sa kanyang Instagram account kagabi, August 3.

Tanging “Hi” lamang ang caption ng misis ni Patrick sa kanyang post na nilakipan niya ng heart emoticon.

Hi!!!?? #kuyajazz #mybellemichelle #prettypatrice #cutieconnor

A post shared by Nikka Garcia ???? (@nikkamgarcia) on

Unti-unti na ngang nagiging maayos ang relasyon ng magkabilang kampo.

Madalas ding nagba-bonding sina Jennylyn at Nikka kasama ang kani-kanilang mga anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN