Allan K shuts down basher linking Alden Richards to Patricia Tumulak

IMAGE Noel Orsal

Allan K responds to basher who is spreading malicious rumor about Alden Richards and Patricia Tumulak. 


Hindi napigilan ni Allan K na sagutin ang isang netizen na pilit iniuugnay ang kanyang co-hosts sa Eat Bulaga! na sina Alden Richards kay Patricia Tumulak.

Isang netizen na may handle name na @rosalindaortega36 ang nagkomento sa isang Instagram post ni Allan K.

Dito ay sinabi ng netizen na sina Alden at Patricia na lang ang gawing magka-love team dahil "real lover" naman daw ang dalawa.

Hirit pa niya, huwag na raw gamitin ni Alden ang ka-love team nitong si Maine Mendoza.

Inakusahan pa ng netizen si Allan K na nagsisinungaling sa fans ng tambalang AlDub (Alden at Maine).

Mapangahas pang akusasyon ng netizen, nagli-live-in na raw sina Alden at Patricia sa isang condo unit sa Taguig.

Sagot dito ni Allan: "kawawa ka naman sa mga info mo. Magpray ka for wisdom"


Ikinagalit naman ng ilang AlDub fans ang akusasyon ng basher at binatikos ito.



Hindi ito ang unang beses na iniugnay sina Alden at Patricia.

Subalit kamakailan ay nanggaling na mismo kay Patricia na hindi niya type si Alden at may long-time boyfriend na ang dalaga.


Stories We Are Tracking

Patricia Tumulak on Alden Richards:
Patricia Tumulak on Alden Richards: "Hindi ko siya type!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN