Kristoffer Martin puts an end to rumored network transfer

IMAGE Noel Orsal

Mananatiling Kapuso si Kristoffer Martin. Ayon sa aktor, ang cryptic post niya noon ay patungkol sa reunion nila ng mga kasamahan niya dati sa Little Big Superstar. 


Sa wakas ay binigyang-linaw na ni Kristoffer Martin ang kumakalat na balitang aalis na raw siya sa kanyang home network na GMA-7.

Sa tweet niya noong Miyerkules, August 2, sinabi ni Kristoffer: “Guys walang magaganap na lipatan. Chill ebribadiii. Haha. Reunion lang yon.”

Ang tinutukoy lang daw niya sa kanyang magkasunod na cryptic posts noong July 12 ay ang reunion nila ng mga kasamahan sa kauna-unahang show niya sa telebisyon, ang Little Big Superstar ng ABS-CBN.

Ang Little Big Superstar ay ang dating singing contest sa ABS-CBN, kung saan si Sarah Geronimo ang host.

Sabi pa ni Kristoffer sa caption: "Finally! Natuloy din! It's been 10 years bago ko ulit sila nakita. Ang mga taong unang nagbukas ng pinto sakin sa industriyang to. Mga taong unang naniwala sa talento ko. Namiss ko kayooo! #LittleBigSuperStar."

Noong July 12, nag-tweet si Kristoffer kung saan sinabi nitong pinag-iisipan na niya ang kanyang next option kung sakaling wala pa ring mangyayari sa career niya ngayong taon.

Nasasayang lang daw kasi ang oras, talent, at panahon sa paghihintay ng proyekto.

Sa ngayon, magiging bahagi si Kristoffer sa bagong primetime series ni Marian Rivera na Super Ma'am.


Stories We Are Tracking

Kristoffer Martin hints at next career move
Kristoffer Martin hints at next career move


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN