Jovit Baldivino posts message for daughter with Shara Chavez

IMAGE Facebook photo of Jovit Baldivino

Jovit Baldivino to his daughter Baby Keya: "Mahal na mahal ka ng daddy kahit ano mangyari."


Miss na miss na raw ng singer na si Jovit Baldivino ang anak nila ng dating non-showbiz girlfriend na si Shara Chavez.

Ito ang naging laman ng maiksing mensahe ng kauna-unahang Pilipinas Got Talent grand winner para kay Baby Keya, na nagdiwang ng kanyang first birthday kamakailan.

Nag-post si Jovit sa Facebook ng larawan niya hawak-hawak ang anak.

Sa caption nito, sinabi ng singer, “Happy 1st Birthday anak, Mahal na mahal ka nang daddy kahit ano mangyari, sobrang miss na miss kana nang daddy mo, iloveyou Keya bunday...”

Noong July 29, ipinaghanda ni Shara si Baby Keya para sa una nitong kaarawan.


Stories We Are Tracking

Jovit Baldivino's baby with Shara Chavez turns one
Jovit Baldivino's baby with Shara Chavez turns one

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), inilahad ni Shara kung paano niya pinaghandaan ang selebrasyon.

“Ako po lahat nag-prepare, kumakausap sa suppliers,” sabi niya.

Nagpasalamat din si Shara dahil nakayanan daw niya itong gawin sa kabila ng pagiging single mother ngayon.

Pahayag niya, "Blessed po ako sa kanila kasi alam nila sitwasyon ko ngayon as a single mom na mag-isang tinataguyod si baby, tapos nabigyan ko pa siyang ng masayang party.”


Stories We Are Tracking

Jovit Baldivino caught by his girlfriend with another girl
Jovit Baldivino caught by his girlfriend with another girl
Jovit Baldivino reacts to charges of being a cheat
Jovit Baldivino reacts to charges of being a cheat


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN