Louise delos Reyes wants to leave past issue with Aljur Abrenica behind

IMAGE Noel Orsal

Louise delos Reyes wishes to put an end about past issues involving him and Aljur Abrenica. She reasoned out, "Let's all leave that behind kasi parang respect na especially to the mother of his child."


Tatlong taon matapos ang pagtatambal nila sa GMA Network, muling magkakasama sina Louise delos Reyes at Aljur Abrenica sa isang teleserye.

Sa pagkakataong ito, pareho na silang nasa ABS-CBN.

Kasama ang dalawang dating Kapuso stars sa Kapamilya primetime series na FPJ's Ang Probinsyano, ngunit hindi na bilang magkapareha.

Kaya naman hindi rin maiwasang maungkat ang naging isyu nila noon kung saan na-link sila sa isa't isa.

Subalit ayon kay Louise, hindi na niya gusto pang pag-usapan ito bilang respeto na rin sa fiancé ni Aljur na si Kylie Padilla.

Saad ng aktres, "E, magkaka-baby na siya, e.

"Parang let's all leave that behind, kasi parang respect na especially to the mother of his child."

Taong 2014 nang ma-link ang dalawa habang ginagawa nila ang teleseryeng Kambal Sirena sa bakuran ng GMA-7.

Namataan pa raw ang dalawa na nag-check-in sa isang hotel sa Subic, Zambales.

Ang pagkaka-link ng dalawa ang itinuturong dahilan kung bakit naghiwalay si Louise at ang ex-boyfriend niyang si Enzo Pineda, at sina Aljur at Kylie.

Ayon sa 24-year-old actress, tama na yung minsan na niyang nabigyang-linaw ang mga usap-usapan tungkol sa pagkakaugnay nila ni Aljur.

Sa isang panayam sa kanya noong May 2017, nilinaw ni Louise na naging sobrang close lang sila nang ginagawa nila ang Kambal Sirena.

Totoo rin daw na nag-check-in sila sa Subic, subalit kasama ang buong production staff ng kanilang teleserye.

Ito ay dahil sa late pack-up at maagang call time kinabukasan para sa taping.

Noong 2016 ay nagkabalikan sina Aljur at Kylie, habang si Louise naman ay masaya ngayon sa piling ng kanyang boyfriend na si Champ Lui Pio.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang reporters si Louise sa thanksgiving press conference ng FPJ's Ang Probinsyano, sa Le Reve Events Place, Quezon City, kahapon, August 3.

Kasali sina Louise at Aljur sa selebrasyon ng teleseryeng pinagbibidahan ni Coco Martin para sa ika-100 linggo nito sa telebisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Louise delos Reyes clarifies past rumor with Aljur Abrenica
Louise delos Reyes clarifies past rumor with Aljur Abrenica

HAPPY FOR ALJUR. Sabi pa ni Louise, masaya siya para kay Aljur dahil sa mga nangyayari rito ngayon.

"Happy ako sa kanya kasi, right now, things are just right.

"Parang ngayon, magkakaroon na siya ng baby, engaged na rin sila ni Kylie, and ngayon na nagiging okay na yung career niya."

Unang beses daw nilang nagkita ulit sa press conference kagabi, subalit nauna na raw na nalaman ni Louise na lilipat si Aljur, na kilala rin bilang AJ sa kanyang mga kaibigan.

Ipinaalam na raw ito sa kanya ni Coco.

Pahayag niya, "Party pa lang ni Tita Su [Susan Roces], nasabi sa akin ni Kuya na papasok si AJ at may bagong story.

"The following week siguro, nag-taping na siya."

Anong nangyari nang magkita sila?

Sagot ni Louise, "Wala, hi hello lang!"

Bukas daw ang aktres na makatrabahong muli si Aljur ngayong pareho na silang nasa Kapamilya network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN