Nadine Lustre deactivates Twitter account

IMAGE Nadine Lustre Official on Instagram

After exchanging tweets with a JaDine fan, Nadine Lustre decided to deactivate her Twitter account.


Nag-deactivate ng kanyang Twitter account si Nadine Lustre ngayong Biyernes, August 4.

Hindi pa matukoy ang dahilan kung bakit ito ginawa ng Kapamilya star.


Kaugnay nito, isang fan ang nag-repost ng huling Twitter posts ni Nadine.

Mapapansing tila nakasagutan ng It's Showtime host ang isang masugid na fan na may Twitter handle na @jadineleto.


Sa comment section, makikita naman ang paliwanag ng isa pang fan tungkol sa naging sagutan ni Nadine at ng isang JaDine fan.


Ang "NLO" na tinutukoy sa comment ay ang Twitter account na @NLUSTREOFC.

Nakiusap sa fans ang may hawak ng Twitter account na iwasan ang pagpu-post ng update tungkol kay Nadine at sa boyfriend at onscreen partner nitong si James Reid.

“We appreciate everyone's effort to post real time updates about Nadine (and James).

"We just hope that fans will refrain from reposting updates that are too personal already (vacation, posts from friends, candid shots of private moments).

“Hope we respect James and Nadine's personal time and private moments. Thank you. We appreciate your cooperation, esp big accounts.”

Thank you so much Jadines and Naddicts. Hope you can help us spread. RESPECT. ????

A post shared by NADINE LUSTRE OFFICIAL (@nadinelustreofficial) on

Sa kabila nito, tila nais namang humingi ng paumanhin ni @jadineleto.

Pakiusap pa niya sa kapwa JaDine fans, “Wag na kayo magalit kay @hellobangsie. Ako nga di galit eh haha! Tampo lang. Char. What we need right now is empathy.

Ilang fans naman ang nagsabing huhupa rin ang isyung ito at magiging maayos ulit ang lahat.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN