AJ Muhlach grateful to Aga Muhlach for brotherly support

IMAGE @ajmuhlach on Instagram

After six years, AJ Muhlach is finally getting his big break in the movie industry. He was pleasantly surprised that his brother Aga Muhlach reportedly stepped in to help make it happen.

 


ikinagulat raw ni AJ Muhlach ang balita na ang kanyang half-brother na si Aga Muhlach ang naging daan para bigyan siya ni Vic del Rosario ng kanyang launching movie.

Sambit niya, "Totoo ba yun na talagang pinuntahan niya si Boss Vic?”

Pero ikinatutuwa raw niya sakaling totoo ito.

Hindi nga raw niya akalaing gagawin ito ni Aga, ”Parang mas maniniwala pa ako kung si Papa [Cheng Muhlach] ang pumunta.

“Siya talaga ang tumutulong sa akin sa showbiz, siya ang nagdala sa akin sa VIVA.

"Kung totoo man yun, di mas okey."

Alam naman daw niyang may concern ang kapatid sa kanya, "Nung una pa lang, nang malaman niya na papasok ako sa showbiz.

“Ang sabi niya sa akin, ’Gusto mo ba talaga 'yan? Ayaw mo bang tapusin mo muna ang iyong pag-aaral?'

"Kasi nga, mas gusto niya tapusin ko muna ang pag-aaral since alam daw niya na karamihan sa showbiz ay di natatapos ang pag-aaral.

"Mas ano kasi talaga siya sa school, e."

Pero hindi rin nga napigilan si AJ at itinuloy ang pagpasok niya sa showbiz.

NEW ACTION STAR. Halos anim na taon na si AJ sa industriya, at inabot na rin daw siya nang pagkainip na mabigyan ng big break.

Saad ng VIVA actor, "Nagkaroon din ako ng time na ganun nga.

"Minsan nga sinabi ko sa papa ko na gusto ko nga muna mag-aral ulit.

“Pero sabi niya sa akin, kung puwede raw saka na muna ang pag-aaral.”

Paliwanag raw ng ama niya, kaya nga nag-aaral para magkatrabaho. May trabaho naman daw si AJ, pag may ipon na siya, saka siya mag-aral.

Dugtong ni AJ, ”Ako rin naman kasi, hindi ako sure kung ano ang mangyayari sa career ko, kaya naghahanap rin ako nang makakampante ako.

"Paano kung biglang nawalan ako ng project? Paano ako mabubuhay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So dumating din ako sa phase na ganun."

Pero ngayong may launching movie na nga siya, ang Double Barrel: Sige! Iputok Mo, nagbago na rin ang tingin niya sa kanyang career.

Sabi ng newbie action star, "There's always hope naman talaga.

"Happy lang ako na ipinagkatiwala sa akin ni Boss Vic at ng VIVA Films ang ganitong project.

“Si Boss Vic, parang ganun ang gusto niyang mangyari sa akin, gusto niya akong mag-action kaya nag-train din talaga ako.

“Matagal nang walang action movies, sana sa pamamagitan ng Double Barrel, bumalik ulit ang interest ng mga tao sa action films."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN