Rocco Nacino returns to Europe, which he previously visited with ex-gf Lovi Poe, to make "better memories"

IMAGE @nacinorocco on Instagram

Rocco Nacino is going back and forth to Europe, scene of his most romantic moments with former love, Lovi Poe. Now he's making "new" and "better memories" on those trips alone and with his family.


Ang afternoon prime na pinagtatambalan nila ni Sanya Lopez na Haplos ang dahilan raw kung bakit sandali lang ang mga bakasyon ni Rocco Nacino abroad.

Masayang kuwento niya, “Habang nasa Europe ako, grabe ang nakukuha kong reviews at tweets na nagri-rate kami. 

“Nakakatuwa that people are loving the show.“ 

Nakikita ba niya na magtutuluy-tuloy ang love team nila ni Sanya?
 
Tugon ng actor, “I hope and I pray for that, sana mas marami pa kaming projects na gawin together.

“At nakikita naman namin na, wow, this is really working.
 
“Sabi ko kay Sanya, ‘Nakakagana, ‘no?’ 

“Tuwing magkausap kami off-cam, sinasabi ko sa kanya na nakakatuwa ang nangyayari ngayon.

“Sana tuluy-tuloy ‘to, I keep pushing her.”
 
Binalita rin ni Rocco na nakabili na ng sariling sasakyan ang ka-love team.
 
“Through her hard work, araw-araw talaga siyang nagtatrabaho, she really deserves it.”

BETTER MEMORIES. Kagagaling nga lang ni Rocco mula sa isang linggong bakasyon sa Europe.

Nagpunta raw muna siya sa Amsterdam, capital city ng the Netherlands, bago dumiretso sa Belgium para sa isang music festival.
 
Natawa ito nang tanungin kung meron ba siyang naalala habang nasa Europe siya.

Kasama kasi niya ang dating girlfriend na si Lovi Poe sa unang pagbabakasyon niya noon sa Europe.
 
“New memories, better memories,” natatawang sambit ni Rocco.
 
Mag-isa lang daw siyang nagbakasyon ngayon, “Matagal ko nang binook yun, last year pa during Encantadia

“It was a good breather for me, handang-handa na akong mag-work pagdating, e.”
 
Babalik raw si Rocco sa Europe ngayong buwan din kasama naman ang mga magulang at kapatid.
 
“Sila Mommy, marami silang pupuntahan,” aniya, “Rome and Austria lang ako.

“Sila may Paris pa, may UK pa.  Hindi ko kayang tapusin lahat kasi kailangan ko pang mag-taping.
 
“Sa Rome at Austria lang kami magkakasama kasi gusto kong ma-experience ni Mommy yung Vatican, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon nga raw lang siya nag-eenjoy na kasama naman ang pamilya niya.
 
Nitong mga nakaraang taon, mas madalas na ang karelasyon niya ang nakaka-bonding niya abroad.
 
“Well, that doesn’t mean naman na bad memories yun.

“This time, I’m gonna make sure that they’re better memories.”

SHOWBIZ PALS. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco sa press conference ng Pista ng Pelikulang Pilipino na ginanap noong August 3 sa SEDA Hotel.
 
Isa ang pelikula ni Rocco na Bar Boys na ipalalabas sa PPP simula sa August 16 hanggang 22. 

Kasama niya rito sina Kean Cipriano, Carlo Aquino, at Enzo Pineda.
 
Si Rocco lang ang Kapuso sa kanilang apat, gayun pa man, maganda naman raw ang samahan nila sa trabaho.
 
“Parang wala lang, there’s no network war when it comes to working with each other. 

“Habang magkasama kami, parang barkada kami, in-character,” saad niya.
 
“Maganda ang chemistry, walang ilangan.
 
“Si Kean at si Carlo ngayon ko lang sila naka-trabaho,si Enzo matagal ko ng kaibigan.

“Pero parang one day lang na kapaan, nakakapagbato na kami ng mga ad-lib.
 
“Very welcoming sila, nakakatuwa silang kasama.”
 
Kaugnay nito, ano naman ang reaksiyon niya sa paglipat ni Aljur Abrenica sa Kapamilya network?

Matagal silang nagkasama sa GMA-7, at katulad niya ay produkto si Aljur ng StarStruck.
 
Tugon niya, “I wish him all the best, it’s a move and ganun talaga, it’s a business decision din.

“Of course, nirerespeto ko yun.”
 
Dugtong pa niya, “I hope maraming projects na dumating para sa kanya.
 
“Maraming-marami ‘yan and I’m sure, he’s really excited to work.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN