Cherry Pie Picache hails Liza Diño for her initiative as FDCP chairman

IMAGE Noel Orsal

Cherry Pie Picache hopes the memorandum of agreement giving benefits to entertainment industry workers will pass into law: "Sana i-legislate para maging batas. Para kahit sino na ang presidente, kahit sino na ang uupo run, ganun pa rin ang mangyayari." 

 


Isa si Cherry Pie Picache sa mga artistang dumating at sumuporta sa contract signing sa pagitan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at ng tatlong government institutions na nagbibigay ng basic services sa ating mga kababayan.

Ito ay ang PhilHealth, Social Security System at Pag-Ibig Fund.
 
Ayon kay Cherry Pie, kailangan talaga ang mga benepisyong ito, lalo na ng mga marginalized workers ng industriya.
 
Aniya, “Marami tayo, ang dami-rami, marami talaga tayong concerns, this is just one big step.”

Pinuri rin niya si Liza Diño sa initiative na ito bilang FDCP chairman.

Dagdag niya, “Kahit hindi naman niya mandate, ginagawa.”

“Masaya ako kasi ang FDCP, yun nga lang ang mandate… hindi mo naman naramdaman these past years. 

“So, it’s good. Masaya ako for Liza kasi ang sipag!”
 
LONG-TERM. Sana lang daw ay magtuluy-tuloy ang pinirmahang memorandum of agreement kahit sino pa ang nakaupong lider ng bansa.
 
Ani Cherry, “Ang hininilig ko lang talaga, sana hindi siya co-terminus sa kung sino ang nasa gobyerno.

“Wala namang kinalaman yun kung sino ang presidente, anong gobyerno.

“Basta kung sino ang nailuklok sa posisyon, isang responsibilidad, trabahuhin at ituloy.
 
“Sana ay maging legislative, i-legislate para maging batas.

“Para kahit sino na ang presidente, kahit sino na ang uupo run, ganun pa rin ang mangyayari.

“May continuation ng system lalo na sa mga ganitong bagay.
 
“At saka pakiusap ko rin, tayo bilang mga mamamayan, alamin din natin kung ano ang mga responsibilidad natin.

“Kung ano ang mga information para hindi tayo ignorant, di ba?”
 
Ayon pa kay Cherry Pie, PhilHealth lang daw ang meron siya, “Yung SSS at Pag-Ibig, alam ko na voluntary. 

“Pero katulad ng iba, yung hassle sa pila... katulad ng sinabi ng head ng SSS, minsan ganun talaga tayo.
 
“Ay, marami pa kong aasikasuhin kesa pumila ako at kumuha ng SSS.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s high time na maging responsible rin tayo as a citizen, ngayon ko lang nga nalaman na mandatory pala.
 
“So it’s good na there’s something to start with, disseminating good information,” pagpapasalamat niya.
 
 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN