Vhong Navarro on Noven Belleza's sexual assault case: "Sana maayos at kung ano yung tama, magawan nila ng paraan."

Vhong Navarro on Noven Belleza's case: "May pinagdadaanan din akong parang halos sa gano'ng sitwasyon na hindi totoo."


Medyo nahirapang magbigay ng pahayag si Vhong Navarro sa pinagdadaanan ngayon ni Noven Belleza, ang kauna-unahang grand champion ng "Tawag ng Tangahalan," na isang segment sa It's Showtime.

Ang kuwento ng noontime host, “Hindi rin ako... di ko ano, e. Ang hirap kasi e sa sitwasyon na yun dahil alam ko naman may pinagdadaanan din akong parang halos sa ganong sitwasyon na hindi totoo.”

Matatandaang noong July 15 ay lumabas ang balitang ginahasa diumano ni Noven ang isang local singer sa Cebu na naging contestant din ng "Tawag ng Tanghalan."

Sinampahan ang baguhang singer ng kasong sexual assault noong July 19.


Stories We Are Tracking

Noven Belleza arrested in Cebu for alleged rape
Noven Belleza arrested in Cebu for alleged rape
Alleged details in rape complaint vs Noven Belleza come out
Alleged details in rape complaint vs Noven Belleza come out
Noven Belleza asserts innocence in sexual assault case
Noven Belleza asserts innocence in sexual assault case
Boyfriend of complainant slams Noven Belleza, bashers
Boyfriend of complainant slams Noven Belleza, bashers

Samantala, si Vhong naman ay nasangkot din sa kaparehong sitwasyon noong taong 2014, kung saan inakusahan siya ng modelong si Deniece Cornejo ng rape.

Naganap raw ito sa isang condominium unit sa The Fort, Bonifacio Global City, Taguig City.

Na-dismiss ang mga rape cases ng actor noong October 2014.


Stories We Are Tracking

Vhong Navarro bent on pursuing cases against Cedric Lee
Vhong Navarro bent on pursuing cases against Cedric Lee
<p>Vhong hesitant about forgiving Deniece, Cedric</p>

Vhong hesitant about forgiving Deniece, Cedric

<p>Deniece Cornejo moves on from Vhong Navarro controversy</p

Deniece Cornejo moves on from Vhong Navarro controversy

<p>Vhong’s lawyer hits back at Deniece’s lawyer&

Vhong’s lawyer hits back at Deniece’s lawyer&


Umaasa si Vhong na malalampasan ni Noven ang kinakaharap nitong asulto, at lalabas ang katotohanan.

Saad niya, “So sana lang, e, kung ano man yung pinagdaanan ni Noven, sana maayos at kung ano yung tama, magawan nila ng paraan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang actor-TV host sa grand presscon ng pelikula niyang Woke Up Like This ng Regal Entertainment kagabi, August 4, sa Valencia Events Place, Quezon City.

Ipapalabas ang pelikulang pinagtatambalan nila ni Lovi Poe sa darating na August 23, sa lahat ng sinehan sa Pilipinas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN