Christian Bautista first Pinoy to be featured in Spotify ad

IMAGE Noel Orsal

Christian Bautista is excited to be the first Pinoy artist to be featured in a Spotify ad. Dubbed "Pinoy Love Ballads" playlist, the ad campaign will be a major triumph for Original Pilipino Music.


Ang tinaguriang Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista ay ang kauna-unahang Filipino celebrity na kinuha ng music streaming service na Spotify para maging part ng isang malaking campaign nila.

Nag-shoot si Christian sa Singapore kamakailan para sa Spotify “Pinoy Love Ballads” playlist ad campaign.

Pinost ng manager ni Christian na si Carlo Orosa ang achievement na ito ni Christian sa kanyang Instagram account noong nakaraang July 30.

Ni-reveal pa ni Carlo sa isa pang Instagram post na matagal nilang itinago ang shoot na ito ni Christian for Spotify.

Noong early part of July pa raw nag-shoot si Christian, pero sinikreto muna nila ito habang wala pang approval.

PROMOTING OPM. Sobrang saya ni Christian dahil pagkakataon na niya itong ma-promote ang Original Pilipino Music (OPM) sa isang giant music streaming service tulad ng Spotify.

Dalawang magkasunod na behind-the-scenes pics mula sa ad campaign shoot ang pinost niya sa kanyang Instagram account noong nakaraang July 30.

check out the @spotifyph playlist Pinoy Love Ballads today !

A post shared by christian bautista (@xtianbautista) on

Bts of our Spotify shoot in a Singapore ! ????????????????

A post shared by christian bautista (@xtianbautista) on

Kasalukuyang napapanood si Christian sa GMA-7 primetime teleserye na My Love From The Star.

ASEAN EVENT. Makakabilang din si Christian sa ASEAN Day Landmark Lighting event on August 8 sa CCP grounds in Pasay City.

Aawitin nito ang “ASEAN Spirit” kasama ang Hail Mary the Queen Choir.

Kabilang sa mga featured artists ang Myanmar pop star na si Eint Chit, Cambodia’s Kong Sothearith, Thai beauty Natthika Iamthamai at Brunei’s heartthrob Afiq Wafi.

Kasama rin ang Vietnamese crooner Hai Nam Le, singer-violinist Ismi Halida of Indonesia, Malaysia’s young diva Dhiya Suhaili Binti at Latchana Anoulack of Lao PDR.

Makakasama rin si Christian sa ASEAN Pop Concert na gagawin sa BGC Amphitheater sa gabi ng August 8.

Kabilang sa concert ang Up Dharma Down, 6Cycle Mind, Itchy Worms, Baihana Trio, The Nightingales, The Juans, Thyro and Yumi, Franco, and the Cast of Rak of Aegis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN